***
Nagising na lang ako at namulat na nasa isang banyagang silid na ako. Napakurap-kurap pa ako upang malinawan ang aking paningin.
Puti. Yun ang una kong nakita. Kulay puti lahat ng nasa silid. Hindi ko akalaing binago ang pintura ng kwarto ko—Teka! Hindi ko 'to kwarto ah?
Hala! Patay na ba ako? Bakit puro puti lang ang nakikita ko? Nasa langit na ba ako?!
Napabalikwas ako pag bangon pero agad ko naman yun pinagsisihan dahil biglang sumakit ang buong katawan ko.
Punyemas... nasaan ba talaga ako? Pati dito sa langit, baldado ang buong katawan ko.
Napatingin ako sa paligid habang hinimas himas ang ulo ko. Ang sosyal naman dito sa langit dahil parang nasa isang kwarto at kulay puti lahat! Akala ko puros ulap lang dito? Parang nasa ospital yung dating dito eh!
T-teka nga! Patay na ba talaga ako?
Walang sariling sinampal ko ang sarili ko.
Aray... masakit yun ah... pero ibig sabihin, buhay ako!
Tatayo na sana ako nang doon ko namalayang may mga apparatus pala nakadikit sa aking mga kamay at paa!
Yung kabilang braso ko ay napuno ng bandages!
A-ano na naman to? Tapos iba na yung damit ko! Naka suot ako na parang ospital gown na kulay puti!
Anak ng teteng---Ano bang nangyayari? Tsk! Kailangan ko hanapin ang mga damit ko. Baka mapagkamalan akong baliw'ng nakatakas sa isang mental hospital sa suot ko!
Dali dali kong tinangal ang mga nakadikit sa akin. Muntik na akong matumba nang tumayo ako pero naka recover agad ako tsaka nagmamadaling tumongo sa pintuan ngunit nagsitigilan ako nang marinig kong mga yapak ng paa na papunta na dito sa kinaroroonan ko.
Hala! Hala! Hala! Kailangan ko mag tago!
Dahil sa panic, sumandal nalang ako sa pader kung saan nasa likod ako ng pinto pag bukas nito.
Parang sasabog na yung dibdib ko sa nang makita kong may pumasok na isang babaeng naka puting robe pero mabuti nalang at nakayuko ito sa kaniyang dalang papel kaya hindi ako nakita na ngayon ay ako'y nasa kaniyang likuran.
"Temperature...normal..." pabulong-bulong niyang sabi habang binabasa niya yung hawak niyang papel habang papalapit rin sa higaan pero hindi parin niya namalayang wala na ako doon.
Kailangan ko ng tumakas!
Tumingkayad ako patungo sa pintuan habang ang paningin ko ay nasa babaeng naka puting robe. Pero nung mahawakan ko na ang door-knob, doon din namalayan ng babae ang pagkawala ko.
"What the..." mabalis siyang tumalikod sa higaan at ngayo'y mga mukha namin ay parehong gulat nang magkaharap kami.
Hala...HALA!
Dahil nataranta ako, bigla kong naitulak ng napakalakas ang babae kaya natumba at napatumbling siyang pinatalikod hanggang sa mahulog siya sa kabilang banda ng higaan! And worse, natumba-tumba yung mga machines sa kaniya!
"Sorry!" sigaw ko at dali-daling tumakbo palabas. Nagawa ko pa ngang isira yung pinto.
"H-HOY!" umalingawngaw ang tinig ng babaeng tinulak ko.
Pasensya na talaga!
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta tumakbo lang ako at tumakbo.
Parang nabuhayan ako nang makita ko ang isang pintuan at the end of the hallway na sana'y ito ang daanan palabas ng lugar na 'to.
"Stop!" Napalingon ako't laking gulat ko nalang na makita yung babae kanina na ngayo'y hinahabol ako.
Mas binilisan ko ang aking pagtakbo at puwersang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ay isang malaking, puting pasilyo at ngayo'y may mga tao'ng naka suot ng puting robe at may iba rin na parehas sa suot ko!
Hindi naman ganoon karami, parang nasa 3-4 lang ang mga tao pero... nampucha naman oh! Mas dumoble pa yung problema ko!
Wala na akong oras para mag react kaya tumakbo na ako.
"I said stop!"
Napalingon lahat ng mga tao pero mabilis ko silang nilagpasan, halatang nagulat rin sa pangyayari at hindi nakapag-react agad.
"Sound the alarm!"
Hala patay!
Mas lalo akong nataranta nang marinig ko iyon. Pakshet na talaga! Hindi ko maiwasang may mga nabangga ako habang ako'y tumatakbo.
Galit nila ako'ng binulyawan at sinigawan pero di ko na sila pinansin patuloy parin sa aking pagtakas.
Panay sigaw at tigil rin sa akin yung babaeng humahabol pero nagulat akong makita na mas dumami pa silang naka puting robe na humahabol sa akin.
Laking gulat ko na naman nang may hindi pangkaraniwang nangyari...
Yung katabi ng babae ay biglang umilaw ng puti at biglang nagkaroon ng mga bubbles sa kaniyang kamay.
Putek... hindi pala panaginip yung mga magic-magic na nakikita ko?
Muntik na akong mapasigaw nang bigla nalang tinapon patungo sa akin yung bula tapos unti-unti ito'ng lumalaki. Pero bago pa man ako mahuli sa bulang yun, patalon kong tinahak yung daan na pakaliwa nang makita ko iyon.
Biglang may tumili at nakita kong isang pasyente na parehas kami ng sinuot ay nasa silid ng bula na ngayo'y palutang lutang sa ere.
Hooo! Buti nalang at naka-ilag ako!
Dali-dali akong tumayo at tumakbo na naman at tinahak yung iba't-ibang direksyon na nakikita ko.
Nang makita kong wala na yung mga humahabol sa akin. Hinihingal akong sumandal sa pader, yung dalawang kamay ko ay nakapatong sa aking mga tuhod.
Putek... paano ako makakalabas dito? Hindi ko makita yung exit!
Tsk! Bakit ba kasi ako tumakas at gumawa ng g**o?! Ayun tuloy mas nahirapan ako! Dapat talaga nag tanong nalang ako sa babae kanina! Edi sana, baka naka uwi na ako ngayon---
Hindi! Hindi dapat ako nagtitiwala ng estranghero! Baka may gagawin sila sa akin... Tama! Baka pag e-eksperimentohan nila ako kagaya ng mga movies na nakikita ko!
Okay! Kaya mo 'to, Eiren! Kailangan mong maka-uwi o di kaya pumunta nalang kina Timmy dahil siguradong late na late na ako sa practice.
Bumuga ako ng hangin. Maingat akong tumakbo at sinilip ang mga daanan at pasilyo. Dumaan ako sa isang direksyon.
Doon ko nadatnan ang isang itim na malaking pinto. Halatang hindi itong pangkaraniwang pinto.
Bigla itong bumukas at may isang babaeng kasing edad kong bumugad doon. Abala yung babae sa kaniyang dinadalang bag na para bang may hinahanap kaya hindi niya ako agad nakita.
Nabuhayan ako nang masilipan kong may sinag ng araw sa likuran ng babae. Ibig sabihin... makakalabas na ako!
"Found her!"
Hala!
Hindi na ako nag aksayang oras kaya tumakbo ako patungo sa pintuan. Nakaharang parin yung babae at abala parin sa kaniyang bag kaya sumigaw ako.
"TABEEE!"
Hindi naka react agad yung babae kaya nagbanga ko siya. Ayan tuloy natumba! Sabi ko tabe nga eh!
"Sorry!" Sigaw ko tsaka tinahak yung pintoan.
"Wait! Wag kang pumasok dya—"
Lumabas ako at dali-daling sinira yung pinto.
Hooo! Nagawa ko na!
Masaya na sana akong aalis pero napahinto ako sa nakita ko.
What the heck? Bumungad sa akin ay isang malawak at malaking espasyo at ang mga desinyo nito ay parang pang medieval period!
Hindi talaga ako nagkamali! Parang nasa palengke yung nakita ko kanina ah?! Bakit naging ganito yun?!
Napatingin ako sa pintong pinang galingan ko pero laking gulat ko na iba na yung desenyo ng pintoan! Kulay itim parin pero mas malaki ito kesa kanina! Tapos double-door pa!
Punyemas... ano na naman ba ang nangyari?
"What on neffier," Natigilan ako nang may nagsalita sa likuran ko. "... are you doing here?"
Oh man... not again!
Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba! Nampucha naman oh... Wala na ako iba pang magawa kundi dahan dahan hinarap yung lalaking nagsalita.
Tsk! Ang malas malas ko talaga!
Nang makaharap ako, bumungad sa akin ang isang napaka seryosong mukha. Gwapo naman pero ayun nga, napaka seryoso! Parang hindi alam yung salitang masaya at parang hindi rin marunong ngumiti!
Who the heck is this dude?
Kunot-noo niyang sinuri ang kabuohan ko. Kaya, napa kunot-noo rin akong nakatingin sa kaniya.
Tsk. Ayoko pa naman sa mga tingin niya. Para bang isa lang akong ipis sa kaniyang paningin!
"Anong tingin-tingin mo dyan?" Inis kong tanong sa kaniya.
"What?" Nabigla siya.
"Sabi ko, anong tingin--"
"I heard you." Inis niya'ng sagot sa akin.
"Yun naman pala eh. May pa what what ka pa." bulong ko pero mukhang narinig niya dahil binigyan niya ako ng pampatay na titig. "A-Ahh, ge! Alis na ako tol."
Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niya akong hinarangan. "Hoy ano ba! Aalis na ako sabi!"
"We're not done talking." Napasulyap siya sa likuran ko tsaka binalik yung paningin sa akin. "How did you manage to get pass the Medilias?"
"Huh? Ano 'yon? Isda?"
Tinignan lang niya ako na parang isang baliw. "I don't have time for this." Bigla niya hinawakan ang pulsohan ko at hinatak kung saan.
"H-hoy! Teka! Saan mo ako dadalhin?! Hoy! Bitawan mo ako!" Pagpumiglas ko pero hindi niya ako pinansin! Patuloy parin niya ako hinahatak!
Nampucha..Napaka chansing mo naman ng lalaking 'to!
"Hoy! Bitawan mo ako sabi! Sige ka sisigaw ako ng r**e!"
"Shut it." sagot niya na hindi man lang ako nilingon.
"Sisigaw talaga ako! Sige ka!" Banta ko pero hindi niya ako pinansin at mas hinatak niya ako ng pinabongga na ika-muntik kong matumba!
Humugot ako ng haninga at sumigaw. "r**e!"
"What the—"
"TULONG!"
"Shut up you—"
"r**e! KAKAININ NIYA AKO—"
Laking gulat ko nang bigla niya akong itinulak ng napakalakas sa pader at yung kamay niya ay nasa aking leeg na mahigpit niyang hinawakan. Sumakit ang buong likuran ko dahil sa sobrang lakas ng impact.
What the heck?!
"Shut up." Malumanay lang ang pagkasabi niya pero kitang-kita sa mga mata niya ang galit at iritasyon sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Halatang nagtitimpi na siya.
Pero kahit ganun, hinding hindi ako magpapatalo sa mga kagaya niya! Who does he think he is?!
"Bitawan mo ako." Nahihirapang sabi ko.
He narrowed his eyes at mas hinigpitan ang paghawak niya sa leeg ko. Aray ko!
Nasasaktan ako pero ayaw ko talagang magpapatalo sa kaniya! My pride won't let me. Hindi ko hahayaang saktan niya ako!
"I've had enough of your nonsense, stupid turd. If I were you, shut that f*****g mouth of yours. You do not want to see me angry. Baka makakalimotan kong babae ka pala." Banta niya sa akin.
Pakshet... marunong pala 'to mag Filipino. May pa ingles-ingles pa siya!
"Dami mong sinasabi."
Nasitigilan siya. Halatang hindi niya inaasahan yung sinabi ko. "What?"
Anak ng---bingi ba 'to?! ang lapit lapit lang namin like kasing lapit ng dalawang kilay niyang galit tapos 'what'?!
"Sabi ko, satsat ka ng satsat!" nilakasan ko ang boses ko. "Ingles ka ng ingles, eh, nasa Pilipinas naman tayo! Ano? Idol mo ba si Obama? Nababad trip na ako sayo boy kaya pwede ba? Pakawalan mo na ako dahil gusto ko nang umuwi!"
Napakurap siya na para bang pinoproseso niya ang mga sinabi ko tsaka nagdahan dahan sumimangot ang mukha niya na para bang papatayin na niya ako.
"How dare you call me boy and jests on my language usage. You ought to learn your place, stupid turd. You are just a mere nothing and I will not hesitate to use force to teach you a lesson. So, if I were you, shut that darn mouth of yours and don't make me kill you, because I will!"
Hindi ako nakaimik agad. Tinitigan ko lang siya sa kaniyang mga itim-itim na mata.
"Good. You've finally shut your mouth." Sabi niya at akmang tatanggalin ang kamay niya sa leeg ko pero natigilan siya ng mag salita na naman ako.
"Mukha kang..."
Kunot-noo niya na naman ako tinignan. "What?"
"Mukha kang... PITBULL!" sigaw ko at tinuhod ang kaniyang sentro!
Nabitawan niya ako at napaluhod at napahawak sa ano niya. Hindi pa ako nakuntento at sinuntok ko ang pagmumukha niya!
"Damn it! f**k!"
Ha! Stupid turd pala ha?! Eh siya nga nagmumukha na ng pitbull na aso dahil palaging naka busangot ang mukha!
Tumakbo na ako pero hindi pa man ako naka layo, laking gulat ko nalang na nasa harapan ko na siya.
Putang--- Paano niya ginawa 'yon?! Ang bilis niya ah!
"Now you've done it." Galit niyang sabi.
Sa sobrang bilis niya, hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya. Naramdaman ko nalang na may kung anong kirot sa aking leeg at sinakop ng kadiliman ang aking paningin.
"And by the way, you're not in your mortal world."
***