Chapter 3
Birthday
Tinotoo ni Dan iyong sinabi niya. I’m sure he told Sir Melvin that I need to come to his birthday! Hindi ako assuming pero?
“You need to be there. We’ll meet a lot of people there and some from famous other companies, and we need their trusts.”
Madami pang sinabi si Sir Melvin tungkol sa beach party sa sabado na para sa birthday ni Dan Lio pero wala na akong maisip kundi tingin ko, puro excuse lang iyon. Dan Lio’s mom organized the party, kasi daw masyadong malungkot si Dan sa nangyari sa ex nito.
Alam ko naman iyon pero never in my life I imagined I would attend one of his birthdays.
“I don’t know if I should be excited or afraid on that day,” bulong sa akin ni Ella nang makalabas kami sa opisina ng boss namin.
I bit my lip to stop myself from saying anything. Hindi ko naman kasi sinasabi kay Ella na madalas magtagpo ang landas namin ni Dan. Ang huling ni kwento ko lang sa kaniya ay iyong hinintay ako ni Dan sa office noon. Iyon lang.
“Ba’t tahimik ka diyan? Excited ka?”
“No way,” I answered.
Sumingkit naman ang mata niya sa akin at sinilip ako. “I know we’ve been busy Mel, pero hindi pa ba nagbabago ang isip mo? Won’t you really tell him?”
I frown, “I don’t want to talk about it, Ella.”
She sighed and nodded. Bumalik na kami sa kaniya kaniyang naming pwesto at nagpatuloy na sa trabaho. I busied myself, so I wouldn’t have to think of unnecessary things.
Pagkaupo ko sa cubicle ko ay saktong tumunog ang aking cellphone. I picked it up and saw an unlisted number left a message.
Unknown:
You’re coming now?
Napakunot ang aking noo pero sa huli ay namayani na sa isip ko kung sino iyon. Really? Pati number ko? Saan niya naman nahanap ang number ko? At bakit siya may number ko?
Ako:
Who is this?
Hindi ko pa nabababa ay tumunog na ulit iyon.
Unknown:
The only man who gets to you.
Hindi ko alam kung bakit naginit agad ang pisngi ko doon. This man! He’s so annoying that I don’t know if I’m really annoyed or this is something else.
Ako:
I hate that person.
Hindi ko na pinagisipan at sinend iyon. That’s a lie, of course! Gustong gusto ko siya pero bakit ko iyon sasabihin? Mas madaling umiwas kaysa umamin.
Napapitlag ako ng tumunog ang aking cellphone sa isang tawag. Why is he calling? Napansin ko na ang titig sa’kin ng mga kasama ko ng hindi ko pa iyon sinagot. I cleared my throat and answered it.
“H-Hello,”
I heard him breathing, “Hate, huh? That hurts.”
“What do you want?” I said coldly.
“Are you coming now? To my birthday?”
I licked my lips, “What choice do I have?”
“None.”
“Right.” I sarcastically said. “Bakit nagtatanong ka pa?”
He chuckled, and heaven knows how that sent shivers to my spine! I’m talking to Dan Lio, mind you. Whom I’ve been crazy about for two years!
“Just want to talk to you.”
I blinked and inhale silently. “You know…” I said in a small voice, “You don’t really need to worry about what happened to us.”
He stopped doing anything, I guess. Dahil natahimik ang linya. Hindi ko alam kung narinig niya ako o ano. Pero gusto ko lang talaga itong sabihin ngayon. I don’t want these minor interactions of us to continue. Mas mahihirapan ako.
“I’m not worried.” He finally said.
“Then why do you keep going after me? I’m fine. Alam kong alam mo na una ko iyon pero… It’s really fine. Hindi ka dapat maguilty.”
He didn’t say anything for a long time. Kung hindi ko siya naririnig huminga at binaba ko na ang tawag. Hindi rin ako nagsalita dahil hindi ko na alam pa ang idudugtong doon.
“Can we be friends, then?” he said in a low and cold tone, inisip ko pa kung tama ba ang rinig ko dahil hindi naman siya mukhang nakikipag friends sa tono niya.
And what? Friends? No way! Ayaw ko na nga siyang makausap ulit!
“W-What? Dan Lio-”
“I’ll take that as a yes. See you soon, Melissa.” Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at pinutol na ang tawag.
Napapikit ako ng marrin at napa buntong hininga. Ano na naman ito? Just when I thought I could finally get rid of him, friends naman ang gusto niya? We can’t be friends if something already happened between us! And definitely not if I like him this much.
Friday afternoon nang magkasama kami ni Ella sa mall. Kakatapos lang namin sa trabaho at naisipan dumaan dito dahil bukas na iyong birthday ni Dan. Nakakahiya naman kung wala kaming regalo pero ngayon na nandito na kami, wala naman kaming mapili.
“Ang hirap talaga regaluhan ng mga mayayaman. Nasa kanila na lahat kasi.”
“True.” I frown. “Ano na bibilhin ko?”
“Kung bumili ka nalang ng small box?” she suggested.
Napakunot naman ang aking noo, “For what?”
“Lagay mo iyong picture ng ultrasound mo.” Seryoso niyang sabi saka tumawa ng makita ang aking reaksyon.
“Bwisit ka talaga!”
“Why? Men like that!”
“Kung mag asawa, oo!” I groaned, “Sumasakit lang ang ulo ko sa’yo.”
Tawa lang naman siya ng tawa. In the end, I bought him a tie. Tutal, lagi naman siyang naka suit. Ayos na iyon. Hindi na ko mag iisip ng iba pa dahil baka lagyan pa ng meaning ng lalaking iyon.
“Hindi naman siguro natin siya makikita doon ‘no?” tanong ko nang makauwi kami ni Ella. “I mean, sure akong madaming tao. O huwag nalang tayo umalis ng room natin?”
Ella laughed at me as she sat beside me. “Kabado ka ‘te?”
“Sobra! Syempre, hindi madali ang maglihim!”
“Sabihin mo nalang kasi na buntis ka at siya ang ama para wala ng secrets!”
I gave her a sharp glance. Tinuktok naman niya ang noo ko. “Mag resign ka na gusto mo?”
Mabilis akong umiling, “Madami pa kong tatapusin na trabaho, isa pa, sayang iyong kita. Hindi pa naman malaki ang tyan ko.”
“Exactly. Kaya mag tiis ka diyang kabahan na baka mabuking ka sa sikreto mo.”
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tumawa lang siya. Napasabunot ako sa buhok habang umalis naman si Ella at nagluto na.
Hindi ako kumikibo kinabukasan nang nasa byahe pa Zambales. Five pm pa ang start ng party at oo, may accommodation doon for the night. Kaya mag s’stay pa kami ng isang gabi doon. Pwede naman umuwi pero anong oras? Apat na oras mahigit ang byahe dito. At sure kami na hindi kami papayagan ni Sir Melvin na umuwi ng maaga.
Si Ella ang nag drive papunta doon. Kahit nag presinta ako after two hours ay hindi siya pumayag. Masyado siyang paranoid sa lagay ko.
It’s almost six pm nang makarating kami ni Ella. Madami nang tao roon. It was in a five-star hotel’s bar. Nag check-in muna kami ni Ella sa kwarto bago napag pasyahang bumaba at hanapin si Sir Melvin. His explanation of why we should be here was a mere excuse, napatunayan ko na iyon. Kaya hindi ko alam kung mahahanap ba namin siya ngayong gabi.
“Grabe ang big time ng mga nandito ha? May nakita pa akong model doon!”
She’s right. Syempre dahil kilala naman ang pamilya Santibal ay kilalang tao din ang mga nandito. Since wala naman kaming officemates na kasama, hindi pa man kami nag t’tagal ay feeling ko sobrang out of place na namin. We both put our gifts on the table designated for them
Ella, being friendly and all, found some peers to join with. Hindi naman ako kumikibo at umiinom lang ng orange juice na hawak ko, dahil hindi naman ako pwedeng uminom, at kung pwede man, feeling ko hindi na rin ako uulit uminom.
Hindi maganda ang nadudulot sa akin.
“Mel look,” bulong sa akin ni Ella. May tinuro siya sa nguso at bumaling naman ako doon.
Dan is there not too far from us, talking to some of his… friends, I guess. Naroon din si Sir Melvin.
“Hindi mo ba babatiin ng happy birthday ang daddy ng baby mo?” she chuckled evilly kaya siniko ko siya.
“Ang ingay mo!”
Bumaling muli ako sa gawi nila Dan na dapat hindi ko na ginagawa. Kaagad na nagtama ang mata namin kaya napakurap ako at umiwas ng tingin. Mabilis kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
Hanggang ngayon talaga ang lakas ng epekto niya sa’kin!
“Sa labas muna ako. Nahihilo ako dito,” bulong ko kay Ella. Exaggerated naman siyang tumingin sa akin.
“Ayos ka lang?”
I smiled and nodded, “Ayos lang. You stay here. Diyan lang ako sa may dalampasigan.”
Nanliti naman ang mata niya pero tinawanan ko lang.
“I’m fine,” winagayway ko ang phone na hawak ko, “I’ll call if anything happens.”
Mabagal naman siyang tumango kaya tumayo na ako at umalis na doon. Cool sea breeze greeted me outside. Madilim na at iilang ilaw sa pagitan ng mga puno nalang ang nagsisilbing liwanag doon. Lumapit ako sa may dalampasigan at tumingin sa madilim na karagatan.
Napahawak ako sa kwintas na bigay sa akin ng parents ko. I suddenly miss them more right now. My heart feel heavier, hindi ko alam kung bakit parang biglang gusto ko nalang mag break down ngayon.
Mama, Papa… I’m having my own child now…
I licked my lips as a tear fell from my eyes. Mabilis kong pinunasan iyon. I sniffed and looked up again. I’m so scared, but I promise I will do my best to raise my child with so much love you’ve given me. Napayuko na ako at napapikit nang mabilis na tumulo ang aking mga luha.
I feel like I really needed both of my parents right now. Hindi ko masyadong iniisip pero natatakot ako sa lagay ko ngayon. I don’t know how to raise a child. I barely survived myself when they’re gone. At ngayon na palalakihin ko itong mag-isa, natatakot ako.
I cried silently, not even letting my shoulder’s tremble.
Napadilat ako ng may humawak sa aking braso. “What are you doing-” Dan’s face greeted me. “Are you crying?”
I gulped and avoided his touch. Mabilis kong pinalis ang aking mga luha at umiwas ng tingin.
“I’m not…”
“Why are you crying? Did something happened?” his voice was filled with worry. I can’t believe I even hear it.
Mabagal akong umiling at hindi pinagbigyan ang mga matang tingnan siya. Naramdaman ko naman ang paglapit pa niya sa akin at bago pa ako makalayo ay dumapo na ang kaniyang mga kamay sa aking braso.
I looked at him a bit shocked, “Why are you crying, Melissa?”
“Dan, I’m not-”
“I’m not blind. Are you hurt? Don’t deny it anymore!” he sounds so pissed, and he looks so serious.
Feeling ko kung hindi ako magsasabi ng totoo ay lalo lang siyang magagalit at hindi niya ako pakakawalan dito.
“I’m okay. It’s nothing…” I sighed when his eyes didn’t leave mine, “I just… miss my parents.” Nagiwas ako ng tingin at bahagyang lumayo sa hawak niya.
Bakit niya ba ako hinahawakan?! There’s a sudden lump in my throat, hindi ko alam kung hanggang doon umaabot iyong pintig ng puso ko. Tumingin muli ako sa kaniya. Mukha siyang may sasabihin pero hindi naman nagsasalita.
“They’re both dead already.” Diretso kong sabi dahil alam kong iyon naman ang gusto niyang malaman. If I were in his shoes, I would also hesitate to ask.
“Then, are you okay now?” tanong niya muli gamit ang mababang tono.
I nodded and turn to the sea, bahagya akong lumayo upang mawaglit ang kamay niya sa akin. Para akong nakahinga ng maluwag nang hindi ko na naramdaman ang init na nagmumula sa kamay niya. We stood there in silence until I looked at him and smile a little.
“Happy birthday…” I softly said.
I saw him smirked when he looked at me, “Thank you. Where’s my gift?” he tilted his head.
I shrugged, “I didn’t bring any. Ayoko naman talaga pumunta dito. Naghahanap ka pa ng gift.”
He chuckled, making my heart clench more.
“Thank you for coming. I appreciate it,” Dan said in a not so sincere way, na hindi ko maiwasang mapangiti.
I bit my inner lips to avoid any reaction that would look like I’m interested in this person.
“Bumalik ka na doon…” I said.
He inhales at imbes na bumalik ay umupo siya doon sa buhangin. Napakunot naman ang noo ko habang tinitingnan siya.
“Sit down,”
I looked around before seating beside him, sinadya kong malaki ang pagitan naming dalawa. Napansin niya naman iyon kaya bumalik ang ngisi niya sa labi.
“Hahanapin ka doon sa loob.” Ulit ko.
“I’m done with them. I’m not really up for this party.”
“Sana hindi mo na tinuloy…”
“My mom insisted. Puro lang naman sila tanong sa buhay ko.”
I looked at him and found him staring at me. I blinked, “Hindi ka pa ba sanay?”
“I’m used to it. But I’m still irritated by it.”
I chuckled. Kung ako man siguro iyon ay ganoon din ang mararamdaman ko.
“How about you? Won’t you ask about my life?”
Natigilan ako bago nag iwas ng tingin at bumuntong hininga.
“About the latest news? Rhealyn?” matapang kong sagot.
I heard him chuckled, “Yeah,”
“Hindi ako mahilig sa tsismis. Hindi rin naman ako interesado sa’yo.” That’s a perfect lie, Melissa! I am going to give myself an award after this!
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Good then. Let’s talk about you.”
“What about me?”
“Do you have a boyfriend?” diretso niyang tanong na nakapagpabaling sa akin.
“Ano?” he only raised his eyebrows at me, “Wala! Ano bang tanong ‘yan?”
“I assumed that already. Gusto ko lang marinig mula sa’yo.”
Umirap naman ako at bumaling muli sa madalim na dagat. Kung saan saan na lumilipad ang utak ko pero pinanatili kong huwag mabaliw sa oras na ito.
“You’ve been working for three years, now, right? Sabi ni Melvin. You must be twenty-five.” Sabi niya ulit.
Lumingon ako sa kaniya, hindi na maintindihan kung bakit siya interesado sa ganitong detalye.
“What? I’m asking Melissa.”
Napailing nalang ako, “Yeah I’m twenty-five. You? Thirty…” pinakita ko naman na para pa akong nagiisip.
His eyes widen a bit, “I’m only twenty-nine.”
I pursed my lips to avoid chuckling. “Still, too old for me,” I whispered, not intending for him to hear.
Pero narinig niya iyon dahil napansin ko ang pag harap niya sa akin ng tuluyan.
“Am I for you, then?”
My heart is beating crazy right now, “No.” lumingon ako sa kaniya.
Naningkit ang mga mata niya, “I’m not old.”
“I just said that because compare to mine, you’re old.” I licked my lips when his eyes turned serious, “…der. Older.”
He smirked, “What time is your usual out at work?”
“Why are you asking?”
“Just answer me,”
“Ayoko nga. Bakit mo tinatanong iyan? That’s personal.”
Tumaas naman ng bahagya ang kaniyang kilay, “We did more than that, for your work time to be called personal.”
My cheeks flushed, “I told you not to say anything about that!”
He laughed, “And why? I will continue to bring that up-”
“Five o’clock! Okay? Okay na?”
Hindi naman mawala ng ngisi niya sa labi. “Okay.”
Natahimik kami after noon. Napahinto ako nang may maramdamang kakaiba sa aking tiyan. Kinabahan ako at biglang napatayo. Bakit ako nasusuka?!
“What happened?” mabilis na tumayo si Dan at hinarap ako.
“S-Sorry. I uh… need to go. Baka hinihintay ako ni Ella sa room.”
His eyebrows knotted, “Ihahatid na kita-”
“Hindi na. Ayos lang. I’m fine. I’ll go.”
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tumakbo na ako palayo doon. Damn. I can already fill my vomit, and it’s disgusting! Baby naman. Bakit naman habang kaharap ko ang daddy mo?
Mabilis akong pumasok sa room at sa bathroom doon. Lahat ng kinain ko kanina ay sinuka ko. My stomach ache so much while vomiting I just want to cry! Para akong lantang gulay pagkatapos noon. Mabagal akong naligo at humiga sa kama.
I picked up my phone when it beeped. Nasaan na kaya si Ella?
Unknown:
You okay?
Napahinga ako ng malalim.
Ako:
I’m fine.
Unknown:
Are you tired? You should sleep already.
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako doon.
Ako:
I will. So stop texting me.
Unknown:
Okay. Goodnight, Melissa.
I pursed my lips and turn to my right.
Ako:
Goodnight.
I tap his number and edited his name. Hindi ko na nahintay kung anong oras pa pumasok si Ella dahil nakatulog na agad ako pagkatapos noon. Umaga nang magising ako at halos wala pang araw. Nandoon na sa tabi ko si Ella na hindi ko alam kung anong pwesto sa pagtulog ang ginagawa.
Nang magising si Ella ay inaya ko na kaagad siyang umalis. Nakita naman namin si Sir Melvin sa lobby bago umalis. He didn’t say anything, but the malice in his eyes makes me uncomfortable. Feeling ko ay may alam siya pero hindi lang siya nagsasalita.
Nagpahinga lang kami ni Ella sa unit buong Sunday afternoon. Nang lunes ay bumalik na kami sa trabaho at dahil sa mga books ay naging busy pa rin kami. It was lunchtime when Dan Lio texted me.
From: Dan Lio
How are you?
Hindi ko alam kung bakit tumingin pa ako sa paligid bago nag tipa ng sagot.
To: Dan Lio
May kailangan ka?
From: Dan Lio
How hard it is to answer my question?
I cleared my throat and maintain my straight face.
To: Dan Lio
What do you want?
From: Dan Lio
Let’s meet tomorrow after work.
To: Dan Lio
Ayoko.
I put my phone on my table. If he continue to bug me like this, it will be impossible to hide my pregnancy! Paano kung bigla akong sumuka sa harap niya? Mahilo? Wala pa naman, natatakot na ako!
From: Dan Lio
Hindi ako nagtatanong.
I groaned and put my face on my hand. Ang kulit.
“Hoy ano ‘yan?” nagulat ako ng biglang sumulpoy si Ella.
Mabilis akong umayos ng upo at napakurap.
“Wala… nagiisip lang ako.”
“Tungkol saan naman?”
“Uh… ideas. May third book pa ko ‘diba?”
Tumango naman ito at ngumuso, “Oo nga pala. Okiedoks, hindi na kita guguluhin!”
I sighed when she sat on her chair. Hindi ko na nireplyan si Dan at nag focus nalang sa work maghapon. Nang alas cinco na ay sabay kami ni Ella na umuwi.
Gabi, nang mag text na naman sa akin si Dan pero hindi ko na pinansin. Lalo lang iyon mag t’text kapag pinansin ko pa. I woked up early the next day. Nagsuka na naman ako at hindi na nakatulog pa.
“Okay ka na?” Ella asked when we’re about to go.
I smiled and nodded, “Yes! Tara na.”
Pinasa na namin ni Mark iyong cover ng second book pag dating sa office. Ipapass pa iyon kay Sir Melvin para ma check and kung may ipapabago pa.
Napatingin naman ako sa calendar at napansin na kailangan ko na ulit mag pa check up next week.
Nang malapit nang mag alas cinco ay dinapuan ako ng kaba. Hindi ko alam kung tototohanin ni Dan iyong sinabi niya kahapon pero sana ay hindi na.
Nagliligpit na ako ng gamit ng mag ring ang cellphone ko. I closed my eyes and sighed before answering my phone.
“Hello,”
“Are you done?”
I bit my lip, “Not yet.”
“It’s almost time.”
“Mamaya pa ako…”
“Susunduin kita diyan.”
I almost hissed, “Fine. Bababa na. Saan ba tayo pupunta?”
“Just go here. Sa lobby nalang-”
“No. Sa basement nalang. Hintayin mo ako d’yan.”
I almost heard him smirking. Nang binaba ko ang tawag ay lumingon ako kay Ella na may ginagawa pa sa computer niya.
I went to her and tapped her shoulder, “Hmm?”
“Uh, mauuna na ako sa’yo.”
Lumingon naman ito sa akin, “Uwi ka na?”
I shook my head, “Hindi pa. I uh, will go to my parents…”
“Oh.” She nodded, “Okay. Gusto mo samahan kita? Malayo 'yun!” Now, why am I lying to my best friend?!
“Hindi na. Mabilis lang ako. I’ll take a cab.”
Tumango naman ito at sinabihan akong mag text ako sa kaniya at iupdate siya. Iyong sasakyan niya iyong dala namin ngayon. After that, mabilis na akong pumunta sa elevator at sumakay doon. I pushed the basement button as my heart hammer inside my chest.
Nang tumunog ang elevator at hudyat na nasa tamang palapag na ako ay dumoble ang kabog ng dibdib ko. Bumungad kaagad sa akin ang mukha ni Dan Lio na naka ngisi.
“Shall we?”