Night's POV: Mag iisang linggo na simula ng mamatay si Maxus at ngayon ang libing nito. Naisagawa ng maayos ni Summer at ni Maxus na iligtas si Erin mula kay Keanne pero naging kapalit noon ang buhay ni Maxus. Napatingin ako kay Summer na walang naging kibo at tahimik na nakatingin sa pag tatabon ng lupa sa kabaong ni Maxus. Kahit hindi ito nag sasalita alam 'kong nasasaktan at nalulungkot siya ngayon. Alam 'ko kung gaano kahalaga sa kaniya si Maxus. Para niya na itong kapatid at talagang marami na silang pinag samahan mula pa ng bata pero kung may isang tao talagang mas nasasaktan ngayon ay si Erin iyon. Walang humpay ang pag iyak nito simula ng mamatay si Max. Paulit ulit niya ring sinisisi ang sarili niya sa pagkamatay nito. Nalulungkot ako para kay Erin. Si Maxus ang palaging na

