"LUCKY BOY" EPISODE 28 Kasalukuyang nasa business meeting ang mommy ni Mark, Clara at Denea ngayon kasama ang iba pang mga malalaki at maliliit na mga negosyante. Hanggang ngayon kahit saan man magpunta si Claire ang mommy nila Mark. Naaalala pa rin nito ang di niya makakalimutang pangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Mark noong nasa edad apat na taong gulang pa lang ito noong nilalagnat si Mark. Napangiti siya at muling inaalala ang mga pangyayaring iyon. FLASHBACK “Diyan ka lang muna baby huh? Babalik agad si mommy saglit lang ito bubuksan ko muna ang kung sinong nagdo-doorbell.”Malambing ang boses ni Claire na sinasabi iyon kay Mark na nakahiga sa kama at may lagnat. Halata ang labis na awa sa mga mata ni Claire habang nakatingin sa nilalagnat na anak. Mag-iisang week na kasing ni

