Tahimik masyado ang lugar na nilalakaran ni Rafael. Isang pagsisiyasat ang kanilang ginagawa sa lugar kung saan ay may natanggap silang tawag mula sa hindi pa nila kilala na tao ang nagreport na may mga tao na mga nanggugulo at may panggigipit na nangyayari sa lugar kung saan ay nabanggit ng tumawag. Hindi nila alam kung totoo ang report or isang fake news na madalas ay nakatanggap sila mula sa mga taong nanti-trip lang din at pinaglalaruan sila Kadalasan ay mga baliw ang mga nakatira sa lugar na ngayon ay kinaroroonan nila. Nakatayo sila at kanya-kanyang pwesto habang tanaw ang mga abalang mamamayan sa lugar. Sa ngayon ay wala pa naman sila mga nakitang kaguluhan tulad ng nakasaan sa nabanggit na report. Ilan sa mga kasama niya ay palakad-lakad at ilan naman ay mga nakakumpol at mga n

