“Sinabi ko na nga ba sayo!" angil na inis pero natawa na lang din si Rafael at ipinag-pasalamat, na buti na lang at hindi nasaktan ang kasamahan na nalaglag sa puno. Dahil nangyari ay baka magdala pa sila sa ospital imbis na matulungan agad ang nai-report nitong nakita mula sa taas ng puno. “Tumayo ka na at nang makatayo, na rin kami." utos niya na hayag ng tumayo naman agad ito at kumilos. Tawa pa ito at nakangiti, nang kanya na alalayan ng tig isang kamay ang dalawang kasama na nabuwal ng dahil sa kanya. Si Rafael na tumayo naman din agad at tinanaw ang mismong lugar gamit ang telescope. Natanaw niya ang babae, hawak ng ilang lalaki habang hila ito kasama ang isang matanda na bitbit din ng mga rebelde na namu-bwisit sa nayon. Nailing nalang ni Rafael sa nakita at hindi niya nagust

