Kinangiti ni Rafael ang nausal ni Manang habang kanilang mga tinitingnan si Sabrina. Kinalapit naman niya ng mas malapit pa sa dalagang natutulog ang kanyang sarili habang balak na niya itong buhatin at dalhin sa kwarto nito. Hindi pa nga niya maigalaw ang kanyang kamay na ihahawak pa lang din niya sa katawan ni Sabrina. “Buhatin mo— hindi mo naman siguro iniisip na tatayo 'yan ng ganyan lang ang gagawin mo? Titingnan at makaraan ay nasa kwarto na agad." usal na may biro na sinabi ni Manang ng tumawa pa ito. Kasi naman nga ay tinitingnan lang ni Rafael si Sabrina habang nakahiga pa rin ito at masarap ang tulog habang lapat na lapat ang katawan sa makinis na simento. “Manang baka magising." nakangiti na hayag na ginawa ng pagbiro sa matandang babae na nasa kanila pa ring harapan. Naghih

