“Sabrina, k-kamusta ka?"
“Ayos lang naman!" sagot ko sa doctor na madalas na bumisita rito
“K-kamusta pakiramdam mo?"
“O-okay lang din naman." tugon ko ulit rito.
“W-wala ka naman ba nararamdaman?"
“W-wala naman!" aniya ko, turan sa mga panay tanong nito.
“Yung sugat mo? Kumikirot pa rin ba kung minsan?"
”Hindi na, pero kung minsan makati nalang." muli kong tugon sa makailang ulit niya pang pagtatanong.
“Pagaling na yan, kung ganun. Maaari ka na makalabas. Okay naman na lahat ng test na ginawa sayo. At, dahil normal naman. Pwede ka na makalabas bukas. Sasabihan ko nalang si Rafael ng sa ganuon ay maayos na niya lahat."
Sabi pa nito sa maraming tanong niya kangina.
Buti nalang at makakalabas na pala ako, bukas.
Nakahinga ako, dahil maaari ko na mahanap si Ate Samantha sa oras na makalabas na ako rito at makalaya sa lalaking yon.
********
“Kamusta, Rafael?" Napalingon ako.
Busy ako sa mga ginagawa kong report mula sa mga naibigay sa aking impormasyon ng mga kasama ko.
“Ayos lang!" sagot ko ng malingunan ko siya.
Si Cris, isa sa mga agent na kasama ko sa grupo.
“Nabalitaan mo ba?"
Muli ako na naman ako napalingon sa kanya at mag-angat ng aking mukha para lang makita matingnan siya sa kanyang mukha.
“Ano yon?" turan kong tinanong siya.
“May misyon tayo ngayon!" sagot niya.
“Hindi mo pala alam?" Umiling ako.
“Hindi pala nakarating sayo?" Umiling na naman ako.
“Hala, mamaya na yon. Bakit hindi ka man lang sinabihan?" usal niyang ibinulalas.
Nabigla rin ako.
Wala talaga akong alam sa mga sinasabi niya.
Maging sa balitang bagong utos mula sa taas.
Wala talaga ako kaalam-alam.
Napailing siya, napaisip.
“Bakit kaya ganun?"
Nag-isip pa man din siya habang ako nakatingin lang at nag-iintay ng sasabihin nito.
“Nagtataka talaga ako. Bakit kaya hindi nakaabot sayo ang bagong misyon na ibinaba ng nasa taas?"
“Hindi ko rin alam." sagot ko.
“Yun nga, nakakapagtaka lang."
Sabi na naman siya na hindi makapaniwala.
Ako nga wala rin akong alam sa kanyang binalita.
Ako pang tatanungin na ako nga rin walang alam.
“Baka naman hindi ka kasama?"
Nagkipit ako ng aking balikat.
“H-hindi ko din alam!"
“Ang unfair ahh, bakit ganon?" muli niyang naibulalas sa inis na hindi nila ako makakasama ngayon.
“Bakit ba naiinis ka?" natatawa kong naibiro sa kanya.
“Nung nakaraan, hindi ba at hindi ka rin kasama sa misyon?" usal ko pang biniro siyang muli ng singhalan ko siya sa kanyang pagrereklamo dahil sa hindi ako kasama sa misyon na ibinigay at utos mula sa taas.
“Pero, unfair kasi talaga, nakakainis." sagot pa nito ng may reklamo.
“Bwisit ka, ngayon nga lang ako makakapahinga sa ilang araw na puro utos." gilas ko na sinagot sa pagrereklamo niya.
“Ito nga lang, nakikita mo?" naitanong ko sa kanya at ipalo sa kanya.
“Diyan pa lang sa mga report na ipinasa sa akin ng ilang kasama natin, mababaliw na ako." bulalas ko rin sa kanya sa kanyang pagrereklamo.
B-bu-bwisitin ata talaga ako nito.
Natatawa pa siya habang naihampas ko sa kanya ang magulong report na aking inaayos.
“Ikaw, umalis ka na nga." biro kong bulalas rito na kinatawa.
“Ikaw, hindi ka na mabiro." sabi niya.
“Pero maiba tayo." aniya na biglang nagbago ng kanyang mood.
Kinataas ko naman ng kilay ang kanyang sinabi.
Kinamangha ng bigla siyang magchange ng kanyang mood at tumatawa pa.
“Kamusta pala yung babaeng binabantayan mo sa ngayon sa ospital? Hindi pa ba magaling?"
“Bakit mo naman naitanong?" bulalas kong turan sa kanyang itinanong.
Si Sabrina ang kanyang tinutukoy.
Naalala ko, dumalaw pa pala siya nung nakaraan sa hospital kaya nakilala at nakita niya si Sabrina.
Nagkasalubong kasi kaming dalawa.
Sakto na kasama ko nuon si Sabrina, inaalalayan na iginala sa labas ng hospital.
Sakto rin na nakita itong si Cris.
Nagtanong siya, nagpakilala kay Sabrina. Nagkukwento pa itong si Cris, at dumadaldal kay Sabrina.
“Okay naman, baka lumabas na rin yon siguro." sagot ko.
"Bakit mo naitanong?"
“Wala naman, bisitahin ko sana siya once madaan ako." sagot niya na nakangiti.
Nginitian niya ako na may maloko na itsura.
“T-type mo si Sabrina?" bulas kong tanong na sinabayan niya ng pagbungisngis na pagtawa.
“Hindi naman sa ganuon." sagot niya.
“Sa totoo lang, maganda siya." sabi nito sa akin na kinataas ng kilay.
Hinabaan naman ako ng nguso nito. Habang tumatawa.
Hindi naman ako natatawa sa kanyang usal.
Maganda?
Si Sabrina, maganda raw.
Napasinghap ako.
Tumatawa pa rin siya.
Buntong hininga naman ako.
Napasinghap din siya.
Napabuga naman ako.
Siya din, bumuga ng kanyang hininga.
Ako napahugot ng hininga.
Siya naman ay tinapik ako sa balikat.
“Don't worry, alam ko naman na sayo na siya." nakangisi itong nagsalita.
“Wala akong balak na pormahan siya. Sa totoo lang, maganda nga siya. Mabait pa, makwento." Dagdag niya pa sa mga sinabi tungkol kay Sabrina.
“Mukhang matapang, masyado nakakatakot ang ganuong babae." sabay niyang bulalas at may kasama na naman na pagtawa.
“Pulis pa!" bulalas niyang sinabi.
“Yung mga tipo niyang babae, masarap sana mahalin. Pero nakakatakot, baka matutukan ka nalang, nang hindi mo nalang napapansin, ikaw na pala ang target at sayo na nakatutok ang baril niyang hawak."
Tumawa na naman siya, kasama pa ang pagbungisngis.
Hindi naman nakakatawa ang kanyang sinabi.
Pero si Cris, panay ang tawa.
Siya lang natawa sa kanyang sinambit.
Dahil para sa akin, hindi naman kailangan ikatawa ang mga nasabi niya.
Pero seryoso akong nakatingin sa kanya.
Nabigla lang ako sa unang sinambit niya.
“Baka nalimutan mo. Kapatid siya ni Sabby!" pagpapaalala ko sa kanya.
“M-mano?"
“W-what?" bulas kong tanong.
“Mano, kung kambal siya ni Sabby?" sagot niya na may ngiti pa rin at hindi inaalis ang pagkakangiti niya habang sumasagot at dumadaldal.
“Wala naman problema kung magustuhan mo siya." gilas niyang turan.
“Wala na si Sabby, tiyak na matutuwa pa nga yon. Dahil sa nawala man siya, yung kakambal naman niya ang minahal mo at ipinalit sa kanya." bulalas ng walang pagpipigil, napakadaldal talaga.
“Nasa kanya naman ang puso ni Sabby? Hindi ba?" bulalas niyang muli na itinanong at pinaalala na naman niya ang unti-unti ko na sana nalimutan.
“Panigurado na dadating ang araw na ikaw rin ang ititibok non. Hindi pa man ngayon, paniyak 'yan. Ikaw at siya, kayong dalawa ang para sa isa't-isa. Hindi mo maiiwasan ang kapalaran na ibinigay sa inyong dalawa."
Dagdag pa niya sa lahat ng mga naidaldal nito sa akin. Habang ako, napasinghap, napaisip. . Bumuntong hininga.
Napahugot ng malalim.
Napabuga.
Napatulala ng mapaisip dahil sa kagagawan ni Cris.
Sa lahat ng mga sinabi niya, naging dahilan para mapahinto ako bigla sa aking ulirat.
Nawala ako sa aking sarili, para mapaisip sa lahat ng sinabi niya pa rin.
Mga kasunod ng mga nasambit na niya at mga naidagdag pa niya sa lahat ng mga winika nito. Ang daldal talaga, walang tigil siyang tinutuya ako.
Tinutukso.
Ginugulo ang isip ko.
Pagkatapos, mukhang nagtagumpay na siya.
“Cris, tama na muna. Siguro, mag-usap nalang tayo ulit. Medyo busy pa ako at kailangan ko itong tapusin." sabi ko sa kanya, umiiwas sa maaari na kapuntahan ng aming pag-uusap.
Lalo na ang kanyang mga inuusal.
Ginugulo nuon ang isip ko na hindi ko sana maiisip.
Bigla ko nalang naisip, napaisip ako.
“Okay sige, pag-isipan mo ang mga nasabi ko." dagdag na naman nito.
“Mag-usap nalang tayo pag may pagkakataon." anito nito pang sinabi bago siya tuluyan tumalikod at umalis.
Buti nalang at umalis na siya.
Buti nalang nawala na siya sa aking mata.
Buti nalang, dahil kung hindi. Baka mas masira pa ang araw ko sa mga pinagsasabi niya.
Hindi ko naisip lahat ng mga sinabi niya.
Ang mga possibility na maaari nga yon mangyari ng dahil nasa kanya ang puso ni Sabby.
Pero ang magustuhan si Sabrina?
Hindi ko alam, sa ngayon, alam kong ginagawa ko lang ito dahil sa obligation na iniwan sa akin ni Sabby.
Maliban duon, baliwala na sa akin.
Wala na, hindi na lalagpas dun ang lahat ng mga ginagawa ko sa kanya.
Wala na, hindi na lalagpas don.
*********
Naimulat ko ang aking mata, mabigat pa rin ito. Subalit, nawala na din ang antok ko ng masilayan ko na nakatitig sa mukha ko si Rafael.
Nagulat ako, nabigla na napabalikwas pa ako sa pagbangon sa pagkakahiga.
“A-anong ginagawa mo?"
Naitanong ko pa sa kanya sa kabiglaan ko.
“Sorry, nagising ba kita?"
Naitanong naman nito.
“B-bakit ba kasi g-ganyan k-ka?" nabubulol na naitanong ko muli sa kanya.
“M-may dumi ka kasi sa mukha. Aalisin ko lang sana." sabi nito, sinagot niya na biglang umangat ang kamay niya.
Yung isang kamay niya, biglang umangat at may kinuha sa may mata ko.
“Kita mo, may muta ka. Malaki!" sabay na tinawanan ako.
“Dapat, lagi ka tumingin sa salamin." sabi pa nito at pinaalalahanan pa ako.
Nagbibiro ba siya?
Baka nang aasar lang?
“Biro lang!" sabay na nagsalita muli at sinabi niya.
Baliw!
“U-uy, wag kang sumimangot. Binibiro ka lang naman." dagdag niya pang sinabi sa akin.
Pero hindi naman nakakatawa yung biro niya.
Bakit ako tatawa?
Pinatatawa niya lang raw ako. Kasi nga raw maging sa pagtulog ko ay nakasimangot ako.
“A-ano ka ba, binibiro nga lang kita. Ikaw naman kasi, bakit maging sa pagtulog? Nakasimangot ka pa, ayaw mo man lang ngumiti." aniya, muli niya pang inulit ang pagbibiro niya lang raw sa akin upang mapangiti niya raw ako.
Pero hindi nakakatawa ang naisip niyang gawing biro.
Hindi nga ako natuwa.
Hindi ako natawa.
Hindi ko nagustuhan ang naisip niyang pagbibiro.
“Sorry na, m-mukhang hindi mo nagustuhan na biniro kita." sabi nito, muli ay kanyang itinuran sa akin. Matapos na mapansin niya ang pananahimik ko mula ng biruin niya ako.
Yun nga lang pagtitig niya sa mukha ko, habang tulog ako.
Hindi ko na ikinatuwa.
Yun pang naisip niyang magbiro?
Mas lalo ko lang hindi kinatuwa.
Pasalamat lang siya, dahil sa hindi naman ako madaling madaan sa mga ganuong biro niya.
Hindi nga ako talaga natawa.
Nanatili lang ako nakasimangot, walang kangiti-ngiti sa mukha.
“Galit ka?" tanong na naman nito.
Mag-uumpisa na naman ata.
Hindi ko pinansin.
“Tabi ka!" sabi ko, maingat na bumangon.
Subalit mabilis naman niya ako inalalayan.
“Bitiwan mo ako." sabi ko.
Pero hindi siya sumunod sa akin.
“Bitiwan mo nga ako." sabi ko pang muli.
Pero matigas nga ata talaga ulo ng isang ito.
Ayaw sumunod, kahit sininghalan ko na, ayaw pa din ako bitiwan.
Ang kulit talaga ng isang ito na nakahawak pa rin sa aking braso.
“Bibitiwan mo ako? O, ako ang bibitiw sayo?" pananakot ko.
Paninita, sininghalan muli at may pambabanta na sinabi rito.
Nauuhaw na ako, pero nakaharang siya sa aking daan.
Nasa harapan ko siya.
Kaya naman, hindi ako makatayo sa kanyang panghaharang.
Iginaya ko ang mata ko.
Wala pala si Manang?
Saan kaya nagpunta?
Makisuyo sana ako sa kanya na magpaabot ng tubig. Dahil ang baliw na kaharap ko, nakangiti pa rin at nginitian pa ako.
“Padaan ako!" sabi ko.
“May kailangan ka ba?" tanong niya.
“Wala, umalis ka lang sa daan ko." bulalas ko.
“Okay!"
At umalis rin siya sa harapan ko.
Binigyan naman niya ako ng daan ng tumabi siya sa kabilang gilid.
Dahan-dahan pa ako bumaba sa kama, inililis ko yung suot kong hospital gown pa rin.
Naiinis na nga ako, ito pa rin ang pinagti-tiyagaan ko na maisuot habang naririto ako.
Wala naman ako maisuot na ibang damit maliban dito.
“Ouch!" nang mapaaray ako, bigla ako nawalan ng balance.
“Sabi ko na sayo. Tutulungan na kita." sabi nito na mabilis akong nasalo.
Sa gawi niya kasi ako biglang bumuwal.
Kumirot yung sugat ko.
Nagulat ako.
Nitong mga nakaraan. Hindi naman kumikirot na ito.
Kakaiba?
Bakit ngayon biglang kumirot?
Habang hawak niya ako, inalalayan niya pa ako na maiupo ulit sa kama.
Hindi na ako nakakibo ng kanya akong tulungan.
Naramdaman ko pa din ang kirot sa aking bandang dibdib.
Napasinghap nalang ako nang mapatigil sa pagsagot ko sa kanya at pakikipagtalo.
Hindi na ako umimik pa, tumahimik nalang ako.