"Mommy, why are you crying?" Napalingon sila kay Rafa na bagong ligo at nakasuot na ng pajama. Agad silang naghiwalay at nag-punas ng luha si Marsh bago nakangiting humarap sa anak. "Come here nga at paamoy kung mabango." Inilahad nito ang mga braso. Nakangiting tumakbong palapit si Rafa sa ina at yumakap dito. "Do I smell good na po?" "Sobra!" At mahigpit na niyakap ni Marsh ang bata. "Wait, Mommy," humiwalay sa ina ang bata at tinignan ito. "You're sad again?" Lumungkot ang mukha nito. "Hindi," umiling ito at muling ngumiti. "Nagkuwento lang ako kay Tito Brix mo about kay Daddy." Humarap sa kanya si Rafa. "Tito Brix..." "Yes?" Inabot niya ito at iniupo sa hita niya. "Mommy is sad po whenever she talks about Daddy kaya po don't ask her about him anymore, okay?" P

