"Brix, will you please tell Marsh to attend my party?"
Nagtatakang napa-angat siya ng tingin sa kapatid. "You can tell Yaya about it. Why do I have to tell her?"
"Give me her number instead. I will invite her personally," inilabas nito ang telepono at inaantay na ibigay niya ang number ni Marshmallow. Nang ibigay niya ay agad nitong tinawagan ang dalaga. "Hi Marsh! How are you doing? Hindi pa kita nadadalaw, ha!" nakangiting kinuha nito ang magazine na nasa ibabaw ng table.
Hindi naman nawawala ang pagkaka-kunot ng noo niya. Bakit naman dadalawin ng kapatid niya si Marsh eh diyan lang naman sa likod bahay nila nakatira ang kaibigan?
"Let's meet tomorrow, after your class if you don't have anything to do. Gusto ko ring makita kung ano ang itsura ng dorm na tinitirahan mo."
DORM! Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Anong dorm ang sinasabi ng kapatid niya?! Lumipat ba ng bahay si Marsh?! Bakit hindi niya alam?!
Pero siya din ang nakasagot sa tanong niyang iyon. Simula nang may mangyari sa kanila sa resort, iniwasan na niya ang kaibigan at lumalabas na siya kasama ang iba't ibang babae. He just settled with Eunice a week ago. Hangga't maaari ay ayaw din naman niyang kung sino sino na lang ang nakakasama niya. Nakikita naman niya si Marsh sa school pero gumagawa siya ng paraan para hindi madaanan ang lugar na kinatatayuan nito. Hindi na din sila sabay na pumapasok at nitong mga nakaraang araw nga, hindi na niya nakikita ang kaibigan sa lugar na tinatambayan nito kapag wala nang klase. Gustong gusto niya itong puntahan sa classroom nito pero pinipigilan niya ang sarili. Hindi niya alam ang sasabihin sa kaibigan. Hindi niya alam kung paano iyon sisimulan.
Tumayo siya at patakbong tinungo ang bahay nito sa likod lang ng mansyon nila. Kailangang makita ng dalawang mata niya na hindi na nga doon nakatira pa ang kaibigan.
Nang akmang kakatok siya ay natigil sa ere ang kamay niya. Ano nga ba ang sasabihin niya kung naroroon ito ngayon? Kaya na ba niyang mag-sorry dito?
"Senyorito?" bigla siyang napalingon ng marinig ang boses ng yaya niya. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito dahil naabutan siya nito sa labas ng bahay. "May kailangan po ba kayo?"
"Po?! Ah, eh........." mabilis na pinagana niya ang utak. "Si Marsh po ba, uuwi ngayon?" mataktika niyang tanong.
"Hindi daw po eh. Marami daw siyang assignment. Sa isang linggo na lang daw uuwi. May kailangan po ba kayo sa kanya?"
Tumango siya. "Si Kuya po kasi, pinapasabi na mag-attend siya birthday party next week," tumango naman ito.
"Sasabihin ko na lang po. May iba pa po ba kayong kailangan?"
Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "Wala na po. Iyon lang po ang gusto kong sabihin. Thank you, Yaya." At mabilis na siyang umalis mula sa pagkakatayo.
Naikuyom niya ang kamao. Umalis si Marsh ng hindi niya alam. Umalis ito dahil galit sa kanya sa hindi niya pagpansin. Sino ba naman kasing babae ang matutuwa sa ginawa niya? Matapos niyang kunin ang virginity nito, basta na lang niyang iniwasan na parang may sakit na nakakahawa.
"So, you found out that she's not really living in there anymore?" napalingon siya sa kapatid na nakasandal sa hamba ng pinto. Salubong ang kilay nito at naka-ismid.
"I know that already!" naiiritang sagot niya sa kapatid. "Hindi ko na siya nakikita dito so meaning, she's not living in here anymore!"
"So bakit ka naiinis? Bakit ang taas ng boses mo?" ayaw niyang tignan ang kapatid dahil alam niyang nakangisi ito. "Naiinis ka kasi hindi mo alam na naka-alis siya and you don't know where she's living right now."
Hindi siya kumibo at kinuha ang libro sa side table ng kama. Nang hindi na ito muli pang nagsalita ay nag-taas siya ng paningin sa pag-aakalang umalis na ito. But to his dismay, he's still standing there, grinning at him.
"I am going to study, Brother!" naiinis na sabi niya dito.
"Yeah, I will go," tumalikod ito at tila may nakalimutang sabihin kaya muli itong humarap sa kanya. "I am going to pick her up from the school tomorrow, you can come with us if you want." At tuluyan na itong naglakad palayo.
Naiinis na tinapon niya ang hawak na libro. Paano siya sasama sa mga ito kung hindi pa rin sila nagpapansinan ni Marsh?
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok at inabangan ito sa lugar na tinatambayan nito bago magsimula ang klase. But he waited there for almost half an hour but still, she didn't come! Lalo siyang nainis at pumunta na sa sariling classroom. Wala siyang oras na maka-usap ito ngayong araw dahil talagang loaded siya at sunod sunod ang exam nila. Gusto niya bago dumating ang kapatid niya ay bati na silang dalawa ni Marsh.
"Joy, si Marsh?" tanong niya sa nakasalubong na kaklase nito.
"Nauna na at nag-aantay daw ang date niya. Mga five minutes ago," sabi nito na tila kinikilig.
Agad siyang tumalikod at tinakbo ang gate. Buntot na lang ng kotse ng kapatid niya ang nakita niya. Inis na napasipa siya. Date?! My ass! Si Kuya lang naman ang kasama mo, kung maka-date ka, wagas!
At lalo siyang nainis sa kapatid. Inaya nga siya, hindi naman siya inantay o kahit man lang sana tinawagan. Natatakot siyang baka mapaamin ni Nathan ang kaibigan at kapag nangyari iyon, siguradong makakatikim siya ng suntok mula sa kapatid. Knowing his brother, he's protecting Marsh like a sister.
"Brix!" lumingon siya at nakita niyang tumatakbong palapit sa kanya si Eunice. Napakaganda ng ngiti nito sa kanya. "Going somewhere?"
"Nah," ngumiti siya ng pilit. "Just waiting for you," hinalikan niya ito sa ulo. Isang linggo pa lang silang lumalabas pero ilang beses na niyang nadala ito sa kama. Hindi siya ang naka-una sa babae at di hamak na mas marami itong alam na posisyon doon. She's happy to teach him all that she knows as he is a very willing student.
"Wanna come with me tonight? I gonna attend a party," pero umiling siya.
"Just enjoy the night, Eu. Ayoko namang lagi din tayong magkadikit. We're partners, yes, but let us not restrict each other to be with other people," nakangiting tumango ito. Sa puntong iyon ay nagkakasundo sila ng dalaga. Masyadong liberated kasi ito at alam niyang hindi niya ito kayang hawakan. "But next Saturday, clear your schedule. It's my brother's birthday and I want you to be there as my muse. Would that be fine?"
Nanlaki ang mata nito at sunod sunod na tumango. "I would love to! And yes, I will make sure to clear my sched that day," umabsyerte ito sa kanya at hinila siya papunta sa kotse nito. "I want you, Brix," agad na hinalikan siya nito pagpasok ng kotse. "Hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil sa iyo."
Nangingiting kinagat niya ang ibabaw ng dibdib ng nobya. "So kasalanan ko pa pala, ha?" natatawang sabi niya dito. Umayos siya ng upo nang imaniobra nito ang sasakyan. Dahil wala si Marsh, wala siyang driver kaya inihahatid siya ng nobya sa bahay nila.
"Brix," nilingon niya ito nang yakapin siya sa likuran matapos ng mainit nilang sandali. "Don't study abroad."
"We already talked about it, right?" he will pursue his studies in fine arts in Canada. Alam niyang tututol ang pamilya na iyon ang kunin niya kapag dito siya sa Pinas nag-aral kaya ipinilit niyang kunin iyon sa ibang bansa. His brother knows that he's going to take that course and Nathan suggested for him to attend Yale instead as they are listed on the top schools in MFA Program.
"After being with you, I don't want to be with other guys anymore," naramdaman niya ang pamamasa ng likod niya. Is she crying?
Hinarap niya ito at itinaas ang mukha. "Love is not a part of this relationship, Eu. I have so many dreams and I will get them no matter what. Let's just enjoy each other for now....."
"Then I will go with you!" nagulat siya sa sinabi nito. "I want to be with you wherever you wanna go!"
"Eunice, napag-usapan na natin ito and you agreed. Alam mong ayoko ng babaeng clingy at iyon na ang gusto mong gawin ngayon."
Inis na lumayo ito sa kanya. "Umamin ka nga, Brix? Other than me, are you seeing other girls?"
Umiling lang siya. He cannot count Marsh as one of those girls dahil iba ito. "Before, yes but now, I have you."
Ngumiti ito at muling lumapit sa kanya tapos ay yumakap. "Sorry about earlier. I want you only for me." Hinalikan siya nito sa labi. "And before the school ends, you will be addicted to me, I will assure you that."
Ngumiti na lang siya at gumanti ng halik dito. Malabong mangyari ang sinasabi nito pero talagang maasikaso ang nobya sa lahat ng bagay. Pero mas may isang tao na higit ang ginagawang pag-aasikaso sa kanya at talagang nami-miss na niya ito.
Naabutan niya si Nathan na kabababa lang ng sasakyan nito. So ngayon lang din ito naka-uwi?
"Kuya," hinabol niya ito at nang makita siyang tumatakbo palapit ay inantay siya. "You just came."
"Yeah," nag-simulang maglakad ito habang tinatanggal ang necktie. "Tumuloy pa ako ng opisina pagkatapos naming mag-usap ni Marsh. Hindi pala kayo nagkita sa school?"
Umiling siya. "I was busy studying, you know. Ayokong mawala sa akin ang first slot," at matunog na ang usapan sa school na siya ang magiging Valedictorian.
Ngumiti ito at inakbayan siya. "That's good to hear, Li'l Bro. So, kailan mo sasabihin kina Papa ang balak mong kuning kurso?"
Nawala ang ngiti niya. Hindi pa rin alam ng magulang niya na nahihilig siya sa pagpipinta. "I will tell them soon."
"Just tell me when and I'll back you up." Gulat na napa-angat siya ng tingin dito. Ngumiti ang kapatid sa kanya. "You're my only brother and I will support you no matter what. Even your desired preference......"
Doon nanlaki ang mata niya. "KUYA!"
Natatawang inalis nito ang brasong naka-akbay sa kanya. "Gulat ka, ano? Alam ko ang sekreto ninyo ni Marsh at pareho kayong hindi makakapag-kaila sa akin. Kanina si Marsh, ayaw ding magsalita tungkol doon ng tanungin ko. Basta kung anuman ang gusto mong gawin, I will support you, okay?"
Hindi niya alam tuloy kung tatango siya o hindi. Kasi kapag tumango siya, parang confirmation na iyon sa sinabi ng kapatid.
"And the place where Marsh is staying is fine and she's doing great living alone. Nagiging independent na siya," kulang na lang sabihin nito kung saan eksaktong nakatira ang kaibigan. "You should visit her sometimes."
"I will," sabi niya na lang pero hindi pa siya handang harapin ang kaibigan.
**
Nathan's party.
Maraming matataas na tao sa lipunan ang naroroon. Kilala niya ang karamihan dito, ang iba ay sa mukha lang.
Si Eunice na kanina pa niya kasama ay naipakilala na niya sa pamilya at nakita naman niya na gusto ito ng mga magulang. Ang Kuya niya ay okay lang din ang reception dito pero parang sa sulok ng isip niya ay ayaw nito sa nobya.
Napalingon siya nang may mabasag na kung ano ilang dipa ang layo mula sa kina-uupuan niya. "Sorry," narinig niyang sabi ng waitress na nakayuko at dinadampot at basag na baso. Napakunot siya ng noo. Parang si Marsh ang nakikita niya pero bakit ito nakasuot ng server's uniform?
"Is that Marshmallow?" nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Eunice. "Alipin ninyo siya?!"
Nagpantig ang tenga niya sa narinig. "She's not and I don't know what she's doing in here wearing that uniform!" Pero bago pa siya nakatayo at nakalapit sa kaibigan, mabilis na nakalapit si Nathan dito.
May sinenyasan itong isang waiter para lumapit. "Please clean all these mess," sabay hila kay Marsh paalis sa lugar na iyon.
Agad niyang sinundan ang dalawa at naabutan niyang pinapagalitan ni Nathan ang kaibigan. Nagtago siya sa likod ng poste para hindi siya makit ang mga ito.
"I invited you here not to serve the guests but as my muse. Kaya pala hindi kita makita kanina pa kahit na sinasabi mong nandito ka na, un pala, naka-uniform ka!"
"Kasi Kuya, nakakahiya naman po kasing tumabi sa......"
"Nonsense! Now, go to the guestroom on the ground floor. Nandoon ang isusuot mo and I want you out in half an hour, is that clear?" Maawtoridad ang boses nito.
"Pero Kuya......"
"That's an order, Marshmallow!" napatango na lang ang kaibigan ng tumaas ang boses ng kapatid niya. "Half an hour, Marsh and don't let me wait!"
Lumipat siya sa halamanan ng makita niyang dadaan si Nathan sa kinatataguan niya. Nang makalagpas ang kapatid, nakita niyang nakatayo pa rin doon si Marsh.
Napabuga siya ng hangin at sa malalaking hakbang ay nilapitan ang kaibigan. Nagulat pa ito ng haltakin niya ang kamay nito papunta sa guestroom na sinasabi ng Kuya niya.
"Don't just stand there, Marsh! Kapag sinabi ni Kuya na magbihis ka, magbihis ka!" Nabungaran nila ang isang pale pink tube dress na alam niyang hindi aabot sa sa tuhod nito ang haba. "Have a quick shower and I will wait for you........"
"Hindi mo naman kailangang......."
"One more complain, Marshmallow and I will bathe you!" napangiti siya nang mabilis pa sa alas kwatrong pumasok ito sa banyo. "Five minutes!" Habol na sigaw niya.
Nang lumabas ito ay naka-roba lang. Nilapitan niya ito at tinanggal ang towel na naka-pulupot sa ulo nito. "I'll fix your hair and do your make-up." Hinila niya ito paupo sa tapat ng dresser. Agad niyang drinayer ang buhok nito tapos ay binuksan buksan ang drawer doon. Nang makita ang hinahanap ay itinali niya ang buhok ng kaibigan tapos ay pinilipit. Nakita niya ang pagngiwi nito. "Mahigpit ba?"
"Okay lang," alanganing ngumiti ito.
Itinuloy niya ang ginagawa at nang matapos ay tinignan sa malayuan ang itsura ng buhok nito sa likod. Nang ma-satisfy, hinarap naman niya ang pagme-make up dito. "Light make-up ang para matanggal ang pamumutla mo."
Kinuha din niya ang iniwan na alahas ni Nathan at isinuot dito. "Si Kuya talaga, alam kung ano ang bagay sa babae. Napapaghalata, eh!"
Narinig din niya ang pagtawa ng mahina ni Marsh. "Now, take your robe off," tumalikod siya dito para kunin ang damit pero pagharap niya ay napalunok siya nang makita ang katawan nito. How he missed that body of hers! "Remove your brassier."
"Ha?!" napamaang ito sa sinabi niya.
"Sabi ko, tanggalin mo ang bra mo dahil may pang-support naman ito sa ilalim," hinila niya pababa ang zipper ng damit na nasa gilid.
"Talikod ka muna," tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.
"I've seen that couple of times. Ano pa ba ang itatago mo sa akin?"
Kagat ang labi na tinanggal nito ang suot na bra na isa yatang pagkakamali sa parte ni Brix dahil nahigit niya ang hininga ng makita ang kagandahan ng dibdib nito.
Pinigil niya ang pagnanasang bumabangon sa kanya pero ayaw magpapigil ng nasa pagitan ng hita niya!
Lumapit siya sa dalaga at imbes na iabot ang damit ay hinalikan niya ito ng mariin sa labi sabay sapo sa malaki nitong dibdib!