6

1628 Words
Naka-upo ito sa kama nang lumabas siya ng banyo. Hawak nito ang hinaharap. "Anong nangyari sa iyo?" Tanong niya dito. Tinanggal na niya ang tuwalya at naglalad papunta sa kabinet na nakahubad. "Magbihis ka nga Marsh! Lalong sumasakit ang puson ko sa iyo eh!" Reklamo nito sa kanya. "Gusto mong labasan?" Inosente niyang tanong. tumango naman ang kaibigan. "Punta ka sa bahay mo. gagawan natin ng paraan yan," kumindat siya dito at linapitan ang kaibigan, hawak ang isusuot na damit. "Search ka sa net kung paano kita matutulungan sa problema mong iyan." "Sa akin ka matulog," sabi nito nang hapitin siya sa baywang. "Hindi sound proof ang kwarto mo," napakagat siya ng labi nang laruin ng malikot nitong dila ang dunggot niya. "Brix!" Ang isang kamay nito ay nasa ugpungan naman ng hita niya kaya awtomakikong pinaghiwalay niya ang hita. "Bilisan mo ang pagbibihis, punta tayo sa ospital," napatingin siya dito. "Yung kakilalang Gyne ni Kuya, available today. Bibigyan ka ng shots para di ka mabuntis. Mahirap na, baka magustuhan nating gawin ito lagi, dapat pareho tayong mag-ingat." Tumango siya. Tama naman ito dahil ayaw pa rin niyang mabuntis. Ang babata pa nila para doon. They are just going to enjoy it together. Nang matapos siyang magbihis, nag-paalam lang siya sa Nanay niya at umalis na din sila agad. Maganda at sexy ang Gyne na kaibigan ni Nathan. sa pagkukuwento ng babae sa kanila, pinapalabas nitong malalim ang naging relasyon nito sa kapatid ng kaibigan. "She's lying," nakasimangot na sabi ni Brix. "Kung malalim, dinala na siya ni Kuya sa bahay." "Bayaan mo na. Hindi naman nag-iisa ang katulad niyang naghahangad sa kapatid mo eh." Sabi niya dito. Bakit nga ba hindi? Tunay namang napaka-gwapo ni Nathan. Lahat na yata ng biyaya, nasalo nito. Nuknukan ng gwapo, nuknukan ng talino, nuknukan ng bait, nuknukan ng yaman at nuknukan ng cool. Sa tagal ng pagkakakilala niya dito, hindi rin siya itinuring na mababa ng panganay na anak ng mga Guanzon kundi parang nakababatang kapatid. "Mga ambisyosa!" Umirap ito. "Kahit sobrang friendly ni Kuya, hindi yan basta basta pumapatol kung kani-kanino! Pihikan kaya yun!" "Hindi naman basta bastang babae yung doktora kanina, kahit yung ibang babae. Lahat naman, galing sa magagandang angkan." "Knowing Kuya Nathan, ibang klase ang tipo niyang babae. Yung tipong wild!" Natawa ito bigla sa naisip. "Paano nga kaya kung parang wild beast ang maging asawa ni Kuya? Malamang, wala nang makakalapit na babae diyan." "Lukaret!" Alam niyang mabait ding babae ang magiging asawa ni Nathan katulad nito at pihadong napakasuwerte nito sa amo niya. "Fly tayo sa HongKong sa isang araw. Shopping ako," sabi nito. "Gamit natin ang private plane nyo?" Tango ito. "Huwag na! Sa tiangge na lang tayo pumunta. Kahit maghapon, ipagda-drive pa kita." "Eh paano kita masosolo kung dito lang tayo," sabi nito. "Teka nga," humarap siya sa kaibigan. "Bakit ka ba nagmamadaling ma-devirginize?" "Ha?!" Tila hindi nito alam ang isasagot pero biglang ngumiti ng nakakaloko. "Kasi ano......sabi nila, nung ibang bakla na nakatikim ng both s*x, iba ang pakiramdam ng ikaw ang pumapasok sa ikaw ang pinapasok. Kapag sa babae, kami ang dominant samantalang kapag sa guy, they are the one. I want to feel both pero ang totoo ngayon ha," humarap ito sa kanya. "Nag-eenjoy ako sa make-out session natin. I like the way may Tootoot reacted towards you so you should be proud," sumulyap ito sa kanya at ngumiti. "Bakit naman ako kailangang maging proud?" Tanong niya dito. "Kasi, baka masanay ako, maging tunay na lalaki na ako.....if that happens, wala na akong ibang naiisip na gusto kong makasama kundi ikaw,". Pinisil nito ang kamay niya. Namula ang pisngi niya nang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya mapigilang hindi kiligin. Bakit nga ba hindi? Itinatangi naman niya ang binata, nga lang, palihim dahil nga sa kasarian nito. Pero ewan niya, parang mas gusto niya na bakla ito kaysa tunay na lalaki. Hindi siya nakakaramdam ng pagkailang. At isa pa, kapag naging lalaki ito, mas lalong dadami ang mga baaeng aaligid dito. Umiling siya sa kaibigan at ngumiti. "Stay what you are right now kasi ikaw na iyan eh." Inabot niya ang pisngi nito at hinaplos. "Mas gusto ko na ganyan ka kasi mas kampante ako." Kununot ang noo nito at tinignan siya. "Until now, hindi pa kita natatanong. "Bakit ba ganun na lang ang ayaw mo sa lalaki?" Nanlamig siya sa tanong nito. Hindi pa nga pala nila napapag-usapan ang tungkol doon. "Any problem, Marsh?" Hinuli nito ang kamay niya at pinisil iyon. "May nangyari bang hindi maganda?" Pero hindi siya sumagot hanggang makarating sila sa bahay. Basta na lang niya iniwan itong mag-isa. Napaka-sensitive na topic iyon at tanging Nanay lang niya ang nakaka-alam ng tungkol doon. "Marsh," nag-angat siya nang ulo mula sa binabasang libro. "Gumayak ka at ipinagpaalam ka ni Brix sa akin. May biglaang lakad daw ang grupo at kailangan ka niya doon." Tinatamad na nag-ayos siya. Nabasa pa niya ang text nito na magdala siya ng swimwear at ilang damit dahil dalawang araw silang mawawala. Pupunta daw sila ng Batangas. "Totoo ba iyan o gusto mo lang akong maka-usap?" Tanong niya sa kaibigan ng makita ito. "Totoo. Nandun na ang mga bakla. Daan tayo ng condo para makakuha ako ng ilang dresses doon. Bawal matalbugan ang reyna!" Sabi nito sa kanya. Taga ibang school ang mga kaibigang bakla ni Brix at alam ng mga ito na secret lang ang pagiging sister ng bunso ng mga Guanzon. "May bago kang two piece doon," sabi niya dito. "Tsaka yung pinamili nating mga summer dress, nandun pa din." "I hope nalabahan mo na iyon," tumango naman siya. "Good." "Teka, anong paalam mo kay Kuya Nathan? Baka hanapin tayo nun." "He will not look for us coz I told him that I cannot wait to break that hymen of yours," sabay kindat sa kanya. "Walanghiya ka talaga!" Hinampas niya ito sa braso. "Hindi ka na nahiya sa kapatid mo!" Napasingap siya nang dumapo ang kamay nito sa kandungan niya! "You told me to do some research on how you can satisfy me," ngumisi ito at nakita na naman niya ang arousal sa mata ng kaibigan. "With videos and all, I will make you study it habang naglalaro kami ng mga bakla!" Pagdating nila ng resort na pagmamay-ari ng isang kaibigan ni Brix, agad itong nag-bihis ng two piece na stripped black and red. Hindi halata ang bukol nito sa pagitan ng hita kung hindi rin lang tatagilid. Nag-suot naman ito ng sheer dress para mas sexy tignan. Naglagay din ito ng light make up na waterproof para daw lalong angat ito sa lahat at siya ang manalo sa kung anumang game na gagawin ng mga ito. "Ayan Bakla, buksan mo iyang iPad ko at panoorin yung video diyan, okay? Kailangan pagbalik ko, alam mo na ang gagawin. Ciao!" Tinapik siya nito sa pisngi at bago ito tuluyang nakalabas ng pinto, tinawag niya ito. "Why?" "Ano ba yung gagawin nyong game? Hindi ba ako pwede dun?" Tanong niya dito. "Ay! Di pwede! Mag-aral ka diyan kasi sabi mo, gagawan mo ng paraan na masiyahan naman ako, hindi lang laging ikaw. And we call the game, Hunt Thy Birdie. Paramihan ng lalaking magbabayad ng iinumin naming ladies drink!" Kumaway na ito sa kanya at lunabas ng pinto. Naiwan na siya at binuksan ang iPad nito. Maraming video na nakalagay doon kaya binuksan niya ang isa. Habang inaantay niyang magsimula, nagtanggal siya ng damit at maayos iyong itinupi. Napalingon siya sa iPad ng may marinig na umuungol na lalaki kaya nahagip niya ang title nun. How to satisfy your man ang title. Ayun na naman, nag-iinit na naman ang katawan niya nang maalala ang ginagawa sa kanya ni Brix. Nagiging ma**bog na yata siya dahil sa kaibigan. Kailangang matapos na nila ang naumpisahan nila dahil alam niyang hindi masa satisfy ang curiosity nila kung hindi nila matatapos iyon. Kung baga sa kanta, parang na-LSS sila. Hanggat hindi natatapos ang kanta, paulit ulit na chorus lang ang kakantahin nila. Dinala niya sa banyo ang iPad at nagbabad sa tub. Napanga-nga siya nang mapagtanto na gustong gusto pala ng mga lalaki na sinusubo ang tootoot nila kaya siguro maraming pumapatol sa bakla dahil magagaling ang mga ito doon. Nakagat niya ang labi at inisip ang magiging reaksyon ni Brix kapag ginawa niya iyon. Wish lang niya, magawa niya ng tama. Kung hindi pa niya napansin ang pangungulubot ng balat, hindi pa siya aahon sa tub. kinuskos niya ng mabuti ang sarili. Nagpupunas na siya ng katawan nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumitaw doon si Brix na namumula ang mukha! "Anong nangyari sa iyo?" Mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman niya ang panginginig nito. "Ano bang nangyari, ha?" "Kasi....kasi may isang guy.....hinawakan ang tootoot ko!" Sabay iyak nito! Mabilis na iniwan niya ang kaibigan para makapagbihis tapos ay hinaltak ito palabas ng kwarto nila. "Where are we going, Marsh?" Malamig pa din ang kamay nito. "Papatikimin ko lang ng matinding sipa ang gagong iyon!" Nag-iinit ang dibdib niya sa galit! Walang sinoman ang pwedeng mambastos sa kaibigan niya at talagang may kalalagyan sila sa daigdig! Hindi siya naging Black Belter sa judo para wala lang! Nangyari iyon dahil gusto niyang protektahan ang inosente niyang kaibigan. At ngayon niya mapapatunayan na worth it siyang maging yaya c*m bodyguard nito! Mata lang ng bastos na lalaking iyon ang walang latay! O kahit mata nito, lalatayan na din niya! G*gong iyon! Isip isip niya. Nag-aaral nga ako kung paano ko paliligayahin iyon, basta basta lang niya hahawakan! At hindi siya makakapayag na kung sino sinong tao ang basta hahawak sa tootoot na iyon dahil siya ang nagmamay-ari nun hanggang virgin pa iyon! Humanda kang lalaki ka! Gugulpihin talaga kita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD