72

1769 Words

"Ma, napatawag kayo?" bating pambungad niya sa biyenan. "Naku eh isang linggo na din ang nakalipas noong nagkita tayo at alam ko namang hindi maganda masyado ang kinalabasan ng pag-kikitang iyon," tila nahihiyang banggit nito. "Ma, wala na po iyon. Nakalimutan ko na nga," sagot niya dito habang nagtitiklop siya ng damit. Paunti-unti na nilang inaayos ang mga gamit nila dahil hindi na naman nila iyon dadalhin sa condo ni Brix. Pinag-iisipan nga niya kung ipagbebenta ba iyon o hahayaan na lang dito sa bahay. "Kahit na. Syempre nahihiya ako sa inasal ng anak ko, lalo na ni Pancho. Ay siya nga pala, maaari ba tayong magkita? Gusto ko kasing makasama si Rafa ngayon. Doon na din tayo mag-usap," napakunot siya ng noo. Matagal na kasi nitong hindi man lang kinikita ang kanyang anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD