Kabanata 29 NATAPOS ang buong araw na hindi mapakali si Angel. Gusto na niyang sumugod sa mansyon upang sabihin na hindi si Douglas ang ama ng dinadala ng walang hiyang Sofie na ‘yon! “Ayos ka lang ba?” tanong ni Dominic. “Oo, ayos lang naman ako. Iniisip ko lang ang aking narinig kanina.” “Iyon bang hindi si Douglas ang ama nang dinadala ni Sofie?” tuwid na tanong ni Dominic. Napatitig si Angel sa mga mata ng lalaki. Sobrang bigat niyon at tila may nararamdaman itong lungkot. “Oo, rinig na rinig ko mismo sa bibig ni Sofie.” “Mabuti naman kung ganoon,” tipid itong ngumiti. Sana’y hindi nalang sinabi ni Angel kanina ang kanyang narinig. Parang hindi iyon magandang ideya na marinig ni Dominic. “Wala kang dapat ipag-aalala Dominic. Ikaw ang nobyo ko. At isa pa, wala na namang narar

