CHAPTER 4

886 Words
BRIELLA'S POV Naging matagumpay ang operasyon ni Nanay na ipinagpasalamat ko naman. At katulad nga ng sinabi ni Gael, binayaran niya ng buo ang hospital bill. Sa ngayon ay nagpapalakas na si Nanay upang bukas ay makauwi na siya. Simula rin nang pag-uusap namin kahapon ni Ma'am Callie ay hindi ko pa siya ulit nakikita. Ang sabi ni Manang Baday ay nakabakasyon daw si Ma'am. Pinagbakasyon daw ng mga magulang dahil nga sa nagkasakit ito kahapon. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko iyon dahil hindi ko pa siya kayang harapin. Ang hiling ko na lamang ay sana'y makalimutan na ng amo ko ang trabahong inaalok niya sa akin. Maaga kong natapos ang trabaho ko ngayong araw. Humiling pa nga ako kay Manang na baka may idadagdag pa siya ngunit wala na raw. Kaya kahit alas tres pa lamang ng hapon ay pinayagan na niya akong makauwi. Hindi na ako tumanggi pa dahil gusto ko nang mapuntahan si Nanay sa ospital. "Ella," mahinang tawag sa akin ni Gael. Mabuti na lamang na wala akong kasama dito sa maid's quarter kaya makakapag-usap pa kami saglit. "Okay na raw si Nanay. Salamat ng marami sa 'yo, Gael," nakangiting sabi ko sa kaniya. Ngumiti rin siya sa akin. "Mabuti naman kung ganoon. Alam mo namang ayaw kitang namomroblema e. Pumapangit ka kasi." Sanay na ako sa mga ganitong biro ni Gael kaya napatawa naman ako. "Seryoso ako, Gael. Maraming salamat talaga. Maghintay ka lang dahil mababayaran din kita." Biglang sumeryoso naman si Gael. May sinabi pa ito na hindi ko naintindihan dahil sa sobrang hina. Kumunot ang noo ko ngunit sa halip na ulitin ang sinabi niya ay ginulo na lamang niya ang buhok ko. "Siguro naman ay makakapunta ka kina Freya sa linggo?" pag-iiba niya ng usapan. Marahan naman akong tumango. "Ayos naman na si Nanay kaya wala namang problema kung pumunta ako 'di ba? E ikaw, pupunta ka ba?" balik tanong ko naman. "Oo naman," mabilis niyang sagot. "Maiba pala ako. Pwede ko bang malaman kung kailan babalik ang kapatid mo?" lakas loob kong tanong sa kaniya. "Bakit parang naging curious ka yata sa kapatid ko?" tatawa tawang tanong naman niya. Napakamot ako sa ulo ko. "Alam mo naman na siya ang kinatatakutan ng lahat dito. Mas mabuti na 'yong handa sa pag-uwi niya," pagsisinungaling ko naman. "Actually, hindi ko rin alam. Ewan ko ba sa kapatid kong iyon, masyadong nabaliw kay Nyx kaya ayon," dismayadong sabi pa ni Gael. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang pangalang "Nyx". Sigurado na kasi ako na iyon ang ex na kailangan kong paibigin sa akin. Pangalan pa lang ng lalaking iyon ay nanlalamig na ang buong katawan ko. Kaya sana lang talaga ay magbago pa ang isip ni Ma'am Callie bago siya umuwi dito sa bahay nila. "Sige na, Gael. Aalis na ako. Dederetso kasi ako sa ospital," nakangiting sabi ko na lamang sa kaibigan ko. "Gusto kong mabisita rin si Tita. Pasama ako," parang batang sabi naman niya. Mabilis akong umiling. Kilala naman siya ni Nanay ngunit nina Ate ay hindi. Ayokong maputakte siya ng tanong ng mga kapatid ko. "Saka na lang, Gael, kapag nakalabas na siya ng ospital," alanganing sabi ko. "Ang daya mo naman." "Gael." "O sige na. Next time na lang. Ikumusta mo na lang ako kay Tita ha? At saka balitaan mo ako kapag nakalabas na siya," sabi naman niya. "Yes, Sir. Sige na, aalis na ako. Bye!" "Mag-iingat ka." Lalabas na sana ako ng maid's quarter ngunit natanaw ko sa hindi kalayuan ang ibang kasamahan ko na papunta dito. Napatingin ako kay Gael na palabas na rin sana ng maid's quarter. Sa taranta ko na baka makita kami ng mga kasamahan ko ay mabilis ko siyang hinila papasok sa CR. Ini-lock ko ang pinto at saka idinikit dito ang tainga ko. "What the h*ll?" gulat na tanong sa akin ni Gael. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Watch your words. At huwag kang maingay," naiinis kong sambit sa kaniya. Hindi na nagsalita pa si Gael kaya ibinalik ko na ang atensyon ko sa may pinto ng CR. Idinikit kong muli doon ang tainga ko upang marinig ang mga kasamahan ko. Ilang saglit pa ay tumahimik na ulit sa labas. Pagharap ko kay Gael ay natigilan ako sapagkat ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakatingin lang din siya sa buong mukha ko na agad kong ikinailang. "Dito ka muna. Titingnan ko kung wala nang tao," ang tanging nasabi ko na lamang. Lumabas ako ng CR at nagpalinga linga sa paligid. Nang masiguro kong wala nang tao ay saka ko pinalabas ng CR si Gael. "I can't believe I am hiding in my own house," pabirong sabi ni Gael na pinupunasan ang mga namuong pawis sa noo niya. "Sorry na. Alam mo namang walang pwedeng makakita na magkasama tayo, 'di ba?" sabi ko naman. "I know. Sige na. Aalis na rin ako dahil baka bumalik pa ang mga kasamahan mo. Mag-iingat ka ha. Update me." Tumango na lamang ako at pinanood siyang maglakad palabas ng maid's quarter. Napahinga ako ng malalim at marahang napailing. Muntik nang may makakita sa amin at hindi ko alam kung anong mangyayari sa oras na makita kami ng mga kasamahan ko. Dapat na yatang bawas bawasan ni Gael ang pagpunta sa maid's quarter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD