THIRD POV "Callie!" Nagulat si Callie nang biglang sumulpot ang kaniyang kuya kasama ang mapapangasawa nito sa kwarto niya. Kagigising niya lang at maliligo pa lang sana siya. "Kuya? Why?" nagtatakang tanong niya. Bigla siyang kinabahan sa iniaakto ng kapatid. Mababakas kasi sa binata ang galit na hindi niya alam kung saan nanggagaling. At kung ano mang sasabihin sa kaniya ng kapatid, paniguradong mahalaga iyon dahil sinadya pa siya nito sa kwarto niya. "Umamin ka nga sa akin, inutusan mo ba si Ella na mag-espiya sa ex mong si Nyx?" deretsong tanong sa kaniya ng kapatid. "Ella? The maid?" kunwaring nagulat na tanong niya. "Just be honest, Callie," galit na sambit ni Gael sa kaniya. Hindi nakatakas sa paningin niya ang paghawak ni Freya sa kamay ni Gael upang pakalmahin ito. Marahan

