Brent Nang makaalis ako sa puder ng mga madre ay nagpasya akong buhayin ang sarili ko. Sa edad na kinse anyos ay pumasok ako sa iba't ibang trabaho para lang may pangkain ako sa araw araw. Naging kargador ako sa palengke. Sa halagang 100 kada araw ay binubuhat ko ang mga mabibigat na mga sako sako ng gulay na dinedeliver galing pa sa Baguio at dinadala sa tindahan ni Mang Julio. Halos mabalian ako ng buto sa tindi ng bigat na binubuhat ko araw araw pero tinitiis ko. Naging malakas ako para sa aking sarili. Wala na akong katuwang sa buhay kundi ang aking sarili lamang. "Napakasipag mo talagang bata!" Wika ni Mang Julio habang dinagdagan nya ang ibinibigay nya sa akin. "S-Salamat po!" Masaya na ako sa bente pesos na dagdag nya para sa akin. Maliit na bagay lang ito pero nap

