Liza Tahimik lang akong nakaupo sa may sofa ng opisina ng hideout habang iniisip ang lahat ng mga nakita ko kanina. Hindi tumitigil ang mga mata ko sa pag-iyak at hindi rin mapigilan ng puso ko ang makonsensya. Para akong tanga na umiiyak gayong alam ko naman na mangyayari ang lahat ng ito! Hindi ko lang matanggap na wala akong nagawa! Hinayaan ko lang mangyari ang lahat! Ito ang lubos na nagpapabigat ng konsensya ko. Maya maya lang ay pumasok si Bogart at kinausap si Buwitre. "Mukhang matigas ang kamag-anak ni Dela Torre, hindi daw sya magbibigay at wala daw syang pakialam kung patayin daw natin ang bihag!" Sabi ni Bogart Napatayo ako sa kinauupuan ko. Napasapo ako sa aking dibdib. Halos mawalan ako ng hangin sa katawan nang marinig ko iyon kay Bogart. Nakita ko ang pagkuyom

