Liza Tatlong taon ang lumipas... Pakiramdam ko ay nakakulong pa rin ako sa isang mundo ng kasinungalingan. Pakiramdam ko ay hindi pa rin ako makahinga sa ginagalawan ko ngayon. Tatlong taong hindi nagpakita si Buwitre sa katauhan ni Brent. Ngunit alam ko naman na kapag hindi sya nagpapakita sa akin ay awtomatiko na sa isip ko na nasa hideout sya. Nagtatrabaho sya bilang si Buwitre ng BuLeAg Gang. At isa ito sa nagpapasikip ng dibdib ko dahil mainit na sa mata ng Presidente ang grupo ng BuLeAg Gang. Nagbanta pa ito na ipapapatay nya ang grupo ng mga sindikato sa oras na malaman nya ang kinaroroonan ng mga sindikatong ito! Takot na takot ang puso ko dahil nasa bingit ng kamatayan si Brent. Hindi nila hawak ang Presidente! Mahigpit nila itong kalaban! May ilang mga Senador, Pu

