Brent Hindi umuwe ang asawa ko galing sa kasal ni Leighton. Maging ang driver at body guard na ipinasama ko sa kanya ay hindi rin bumalik sa mansyon. Hindi ko na rin macontact ang cellphone niya! Sa sobrang galit ko ay inihagis ko ang cellphone na hawak ko! Nagkapira-piraso ito! Napasabunot ako sa aking buhok! Ganitong ganito ang naramdaman ko noon nung panahong nilalayuan nya ako! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ako tanggap? Hanggang ngayon ay kinasusuklaman pa rin nya ang mga gawain ko! Shi.t! Kinaumagahan ay agad kong sinugod ang bahay nila Liza! Babawiin ko ang asawa ko! Nanginginig ang mga kalamnan ko sa sobrang galit! Sunod sunod kong kinatok ang gate ng kanilang bahay. Sa tunog nito ay halata ang galit ko! "Teka! Sino ba yan??" Sigaw ni Tita Emz Paglabas ni Tit

