Agad napabuga ng malalim na hininga si Ace nang tuluyan na makabalik sila sa loob ng kanilang kwarto. Paano ba naman ay ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang umaktong normal kanina. Lalo pa na napakahigpit ng pagbabantay sa kanila ngayon ng mga tauhan ng facility. Kaya sa buong maghapon ay todo todo ang kaba niya sa takot na siya ang maging dahilan para mabisto sila. "D-Damn..." nanlulumo na pagmumura pa ni Ace saka nanghihina na napaupo sa sahig, "G-Grabe! A-Akala ko talaga kanina ay mahuhuli na nila tayo," mangiyak ngiyak na dagdag pa niya at pinunasan ang namuong pawis sa noo niya. Agad na sinamaan siya ng tingin ni Teddy at hinila patayo roon. "Sssssh! Tumahimik ka nga riyan, Ace," suway ni Teddy sa kanyang kasamahan, "Baka mamaya ay nariyan pa sila sa labas at marini

