WARD 23

2277 Words

*cough, cough, cough* Sunud sunod na pag-ubo ng isang binata na siyang mag-isa na nakakulong sa isang malawak na kwarto. Nakakadena ang kanyang mga kamay at paa na siyang pumipigil sa kanya na sumubok muli na tumakas. Nakaupo lamang siya sa isang sulok ng kwarto habang maghapon na nakatitig sa isang pader. Akala mo magagawa niyang butasin ito mula sa talim ng kanyang pagtitig. Halos isang taon na rin mula ng dalhin siya rito at ito na ang naging tahanan niya. Naalala niya na nagulat na lang siya pagdating ng isang umaga na bagising siya na nandito na siya. Nang una ay nalilito siya sa nangyayari at kung paano siya napunta roon pero hindi naman nagtagal ay unti unti niya nauunawaan ang nangyayari. Napagtanto niya ang pinakamaitim na pakay ng itinayo na facility para sa lahat ng mga ki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD