Nang mahanap na nina Devon sina Flare at Doktora Andrea ay agarang bumalik sila sa direksyon ng kinaroroonan ng kwarto ng mga earth type. Dahil bago na magkahiwalay sila ay napagkasunduan nila na magkita kita muna roon sa oras na mahanap nila ang mga hinahanap nilang mga kasamahan. Hindi naman nagtagal ay natanaw na nila sa tapat ng kwartong iyon ang magkasamang grupo ng mga earth at wind type. Halatang kanina pa sila naroroon at nag-aalalang nag-aabang sa pagbabalik nila. "Nakabalik na sila!" Agarang nakahinga naman ng maluwag ang mga ilan sa mga ito nang makita na sila papalapit sa kinaroroonan nila. "Pasensiya na kung medyo natagalan kami sa paghahanap sa kanila," paumanhin ni Devon sa dalawang class na siyang nag-aantay sa kanila, "Masyadong tago ang kwartong pinaglagyan sa kanila.

