WARD 32

2006 Words

Hindi mapaglagyan ang saya ko na malaman na maayos lamang si Doktora Andrea at magkasama pala silang dalawa ni Flare sa isang kwarto. Ngayon ay naiitindihan ko na kung paano nalaman ni Flare na nandito ako sa pangalawang facility. Iyon ay dahil ipinaalam sa kanya ni Doktora Andrea na buhay ako at naririto. Ito rin ang dahilan kaya siya na ang kusang lumabas ng kanyang kwarto para hanapin ako. Mukhang si Flare pa pala ang nagsilbing tulay para makapag-usap kami ng ganito ni Doktora Andrea. Ngayon ay mapapanatag na ako dahil nasisigurado ko na ligtas ngayon ang aking kaibigan na doktora. "S-Siya ba talaga iyan, Vana?" pabulong na pagkumpirma sa akin ni Isla at mahigpit na hinawakan ako sa magkabilang balikat, "Kay Doktora Andrea ba talaga ang naririnig mong boses?" Buong galak ko naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD