CHAPTER 10;

993 Words
Kinabukasan abala ang lahat sa kanikanilang pwesto. Maganda ang panahon ng araw na iyon. Kaya naman lalong ginahan ang iba para sa gaganaping photoshoot maya-maya lamang. " Guys be ready!" After 10 minutes magsisismula na tayo. Sigaw ni Mr. Reyes. Pero ang mga mata ay nakatuon sa tulalang si rassy. " Okay ka lang ba rassy Bkit parang nangingitim ang ilalim ng mata mo nagpuyat ka ba kagabi? " Ha? Kumuha ng salamin si rassy mula sa kanyang bag at tinignan ang kanyang sarili mula roon. Napangiwi siya ng mapagtantong tama nga ang sinasabi nito. " Ah' oo e kase namamahay kase ako kagabi kaya na late ako ng tulog. But don't worry okay lang naman ako babawi na lang siguro ako mamaya ng tulog. Nakangiting niyang sagot dito. At muling tinignan ang sa sarili sa hawak na salamin. Ngunit kamuntikan niya na itong mabitawan ng may mahangip ang kanyang mata sa kanyang likod mula dito. Hindi sana siya lilingon pa't babaliwalain na lang sana niya ang nakita dahil sa hiyang nararamdaman. Ngunit tinawag siya nito. " Miss. Deria!" Para siyang naparalisa ng marinig ang boses na yun mula sa kanyang likod. Pilit niya pinapakalma ang kanyang sarili bago lumingon dito. Kailangan niyang kumilos ng normal para hindi mahalata ng kahit na sino lalo ng ng lalaking ito ang kabang nararamdaman niya ngaun. " Ye' yes sir. May kailangan po kayo.!" Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nasabi niya iyon ng hindi pumiyok ang kanyang boses ng dahil sa kabang nararamdaman niya. Natigilan siya ng makita niyang kasama nito ang kapatid na si Drian Rax. " Good morning Sir Drian nandyan po pala kayo.!" Bati niya sa isa pa niyang amo at bahagya pa siyang yumuko. Ngunit nagulat siya ng may biglang humawak sa kanyang bewang at marahang pinisil yun. Ng ligunin niya kung sino ito nakita niya na si Mr. Reyes iyon at bahagyang tumango sa kanya upang iparating sa kanya ang pagpapaalam nito na mauuna na itong pumunta sa kung saan gaganapin ang kanilang photoshoot. Nang makuha niya ang gustong iparating nito sa kanya tumango din siya rito ng bahagya at marahang ngumiti para sabihing maya-maya ay susunod na rin siya rito't umalis na nga ito Huminga siya ng malamin bago muling ibinalik ang atensyon sa mga taong nasa harapan niya ng magsalita ang isa sa mga ito. " Mas maganda ka pa sa umaga Miss Deria.!" Sagot nito sa kanya na sinabayan pa ng pagkindat. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang muka dahil sa papuri nito sa kanya. Kaya naman ngumiti na lamang siya rito upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman niya para rito. At ng maalala ang kanyang among si darius at ang dapat na sasabhin nito sa kanya. Nilingon niya ito ngunit natigilan siya ng sa paglingon niya'y makitang nakatitig ito sa kanyang bewang kung saan siya hinawakan ni Mr. Reyes kanina. " Sir? Para naman itong natauhan ng tawagin niya ito. Bahagya pa itong natigilan at napakamot sa kanyang nuo. Ngunit sandali lamang ang reaksyon niyang iyon at agad na bumalik sa seryosing aura nito. Bahagya niya pang narinig ang pagbuntong hiningan nito at deretso ang matang tumingin sa kanya bago ito nagsimulang nagsalita. " Wala naman gusto ko lang ipaalam sayo na wag mo ng problemahin ang party mamaya dahil naayos na ito. Natigilan sya ng marinig niya iyon. At naalala ang party na gaganapin mamaya na dapat na siya ang magaasikaso. Ngunit dahil sa nangyari nawala na ito sa isipan niya. Natigilan siya bigla ng may pumasok sa kanyang alala. Naipilig niya pa ang kanyang ulo upang pigilan ang sariling isipin ang nangyaring iyon kagabi na siyang dahilan kung bakit lutang siya ngaun. Pasimple niyang tinignan ang lalaking dahilan ng pagkabalisang nararamdaman ngaun. At sa nakikita niya ngaun rito parang gusto niyang sabutan ang kanyang sarili. Kung bakit parang wala naman epekto rito ang nagyari sa kanila kagabi. Tapos ito siya't parang baliw dahil sa pagkabalisa niya. Dumagdag pa ang pagkalutang niya dahil sa kakulangan niya ng tulog. Kung bakit naman kase hindi niya magawang matulog kagabi. Nakita niyang tinalikuran na siya ng kanyang dalawang among lalaki kaya naman napagdisisyunan na rin niyang sumunod sa tinuturing niya na ngaung kaibigang si athan AKA Mr. Reyes. " Sabi ko naman kase sayo rassy!" kalimutan mo na lang ang nangyari dahil panigurado ikaw lang ang mahihirapan dahil . Kita mo naman ngaun db. Habang muka kang tanga"! kakaisip sa nangyari. Tignan mo naman ang magaling na lalaking yon kung tignan ka ay walang buhay-buhay!" Natigilan si rassy sa kanyang iniisip ng makita niyang nananakbo sa dereksyon niya ang kaibigang si athan. Nakaramdam siya ng kaba ng makita ang seryosong muka nito kaya naman binilisan niya na rin ang kanyang paglalakad para malaman kung bakit parang nagmamadali itong makalapit sa kanya " May problema tayo!" " Ha? paanong may problema. Hindi ba nakasigurado naman tayong nasa maayos ang lahat kaya paano-" Napatigil siya sa kanyang sasabihin at nanlulumong ibinaba ang folder na hawak niya. Sinigurado niyang maayos ang lahat kaya hindi niya alam kung anong naging problema. " Maayos naman talaga ang lahat!" Ewan ko ba kung bakit ngaun pa talaga naisipang sumampa ni Ms. Lalaine sa batuhan at mag dive mula doon.!" Hindi naging maganda ang pagbagsak niya sa tubig rassy kaya napilayan ito. Kaya imposibleng matuloy ang photoshoot kung walang modelo.!" Nanghina siya sa balitang iyon mula sa kaibigan. Bkit ngaun pa alam niya hindi niya kasalanan ang nagyari pero. Ito na sana ang pagkakataon na mapatunayan niya sa mayabang niyang amo na maasahan siya pag dating sa trabaho. " Ano ang sinabai mo Mr. Reyes!" (DRIAN) " Ipaliwanag niyo kung bakit nangyari to Ms Deria!" ( DARIUS) Halos nakawan siya ng uulirat ng marinig buhat sa kanyang likod ang parehong boses na iyon. Hindi niya alam na nakasunod pala ang dalawang lalaking iyon sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon at halos bumigay ang tuhod niya sa nakitang madilim na tinging ipinukol nito sa kanya SUNDAN .......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD