CHAPTER 12;

965 Words
" Maam rassy ikaw na po ang susunod ready na po ba kayo?" Napatingin sa malaking salamin si rassy upang tignan muli ang sarili. Nakasuot siya ngaun ng bathrobe upang panandaliang takpan ang kanyang katawan. Sa loob kase nito ay nakasuot na lamang siya ng isang ternong black two piece. Medyo nakakaramdam siya ng kaba sa tuwing naiisip niya na haharap siya sa maraming tao mamaya na ayon lamang ang soot. Ngunit ano nga bang magagawa niya kung ito naman talaga ang tema ng pangalawang at pangatlong set ng photoshoot nila. Ang kaibihan nga lang mamaya sa pangatlong set ay may makakasama na din siyang model na lalaki. Ang hindi nga lang niya alam e kung sino ang makakapareha niya para dito. Humungot muna si rassy ng malalim na hininga bago lumingon sa babaeng nasa likod tumango siya't ngitian ito tanda ng pagsangayon niya sa sinabi nito't nagpatiuna na siyang lumabas at nag tungo na deretso kung saan gaganapin ang pangalawang set nila. " Okay Miss Deria. tanggalin mo na ang bathrobe mo at pumunta kana sa bandang iyon ng dagat. " Kaya ko to.!" Go!" rassy kaya mo yan.!" Bulong ni rassy sa kanyang sarili. Tumango siya sa baklang assistant ni athan. At unti-unting hinuhubad ang soot niyang balabal. Naramdaman ni rassy ang lamig na dumampi sa kanyang buong katawan. Tanda ng tuluyan niya ng nahubad ang munting balabal na tumatakid sa kanyang halos h***d na katawan. At bago pa siya muling kainin ng kaba at maisipang damputin muli ang balabal at magtatakbo palayo sa lugar na yon. Minabuti na lamang niyang malakad na patungo sa dereksyon itinuro ng baklang assistant knina. " oo tama dito yon!" Teka dito nga ba? Hindi alam ni rassy kung tamang spot ba ang pinuntahan niya kaya ayaw man niya sanang ligunin ang mga taong nasa likod niya para magtanong. Wala siyang choice kesa mag mukang tanga. Ngunit nagulat siya sa mga reaksyong ng mga taong nalingunan niya. Lahat ng mga ito ay nakatulalang nakatitig sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Napalingon din siya sa gawi ng magkapatid na rax nakita niya halos sabay na niluwagan ng mga ito ang necktie na suot at namumula ang mga tenga ng mga ito. Napalingon din siya sa gawi ni athan AKA. Mr. Reyes kita niya rin ang pagkatulala nito sa kanya. Ganun din ang mga nasa likod nitong mga modelong lalaki. Lahat ng mga ito ulti mo mga staff ay nakatulalang nakatingin lamang sa kanya. Tatakbo na sana siya pabalik sa buhanginan. Natakot siya dahil baka may nakikita ang nga ito na hindi niya nakikita. Ngunit bago pa siya makatakbo pabalik nakita niyang lumabas mula sa dressing room ang baklang makeup artist niya. At takang napatingin ito sa mga taong tulalang nakatitig sa kanya. At sa pagtataka sinundan nito ng tingin kung saan nakatingin ang mga ito. Nakita pa ni rassy ang paglaki ng mata nito sabay tili ng malakas na nagpabalik sa ulirat ng lahat. " O...M...G....!!!!!!!!!! NAPAKA-SEXY MO MAAM RASSY AHHHHHHHHHH!!!!! Tili nito at nagtatalon pa. " Maygosh!" Kaya naman pala nagtataka ako bakit wala akong naririnig na kahit anong ingay dito. Akala ko pa nga natapos na kayo't inawan ako.!" Yun pala!" Ahhhhh!!! Yun pala naman natulala ang lahat sayo maam rassy!" Walang prenong salita ng makeup artist niya habang sinasabayan pa ng pagsigaw. " Grabe maam rassy hindi ka lang basta sexy. As in duper!" Super!" Sexy!!" Sana all!" Habol pa nito. Hindi alam ni rassy paanong reaksyon ang ibibigay niya dito. Kaya naman ngumiti na lamang siya at muling tinignan ang mga taong nasa harapan niya. Lahat ng mga ito ay parang nakaramdam din ng pagpahiya sa sarili kaya naman yung ibang staff e kunwaring naging abala sa mga kanya-kanyang pwesto pero nakikita niyang pasimple pa din ang mga itong sumusulyap sa kanya. Ganun din sila Mr. Darius at Mr. Drian. Nakita niyang hindi na nakatingin ang mga ito sa kanya nakita niyang tumayo si Mr. Darius at may pinindot ito sa kanyang phone at inilagay sa kanyang tenga. Si Mr. Drian naman ay nilapitan ang isa sa mga staff at parang may inutos ito. Nang mapalingon naman siya kay athan tulala pa din ito sa kanya. Kaya naman nakita niya ang assistant nito na pumalakpak sa bandang muka nito. Doon pa lamang parang natauhan ito kaya naman ng matauhan ito ay nakita niyang napakamot ito sa nuo't napayuko pa ito. " Mr. Reyes mag start na po ba tayo kase baka matunaw!" Ay!" este sipunin si maam rassy!" Sigaw muli ng baklang make-up artist ni rassy. Tumingin muli ito sa kanya't kinindatan pa siya nito habang may kakaibang ngiti sa labi. " Ehemmmm... Cge na mag start na tayo. Miss Deria!" Simulan mo na mag pose ah. Narinig niyang sabi ni athan. Kaya naman hinanda na ni rassy ang kanyang sarili. Nakaramdam si rassy ng kaba kaya naisip niyang ilublob panandaliian ang sarili sa tubig. Ng naramdam ni rassy ang ginhawa. Muli ay inihanda niya na ang sarili para sa sunod-sunod na pagtunog ng camera. " Good !" " Isa pa !" " Perfect !" Sunod-sunod na sigaw ng baklang assistant ni athan habang sunod-sunod din ang pag pindot nito sa camerang hawak. " Okay pahinga break muna !" May last set pa tayo mamaya!" Sigaw muli nito. Naglakad na pabalik ng buhanginan si rassy. Ngunit nagulat ito ng may puting bagay na humarang sa kanyang muka. At ng tignan niya kung ano ang bagay na iyon. Napakurap siya ng magpagtantong balabal niya ito. Sa pagtataka tinignan niya kung sino ang nagaabot nito sa kanya. " Mr. Drian?" Ngumiti ito at muling inabot ang balabal sa kanya. Kinuha niya iyon ng may pagtataka. Napatingin pa siya sa bandang paanan nito. Nakita niyang nakatubi ang bandang laylayan ng pants nito para hindi mabasa. SUNDAN......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD