CHAPTER 3;

643 Words
Mabilis lumipas ang oras. Hindi namalayan ni rassy na oras na pala para sa pananghalian. Saglit na tinanggal niya ang salamin sa kanyang mata at bahagya niyang hinilot ang gitnang pagitan nito. At nang medyo nakaramdam ng ginhawa muli niyang isuot ang kanyang salamin at saglit na lumingon sa nakasarang pintuan ng kanya mayabang na boss. "tsshh... "! Paano ko nga ba aalamin dito kung kakain na ba siya. Or kung ako ba ang bibili nang kakainin niya. Kung bawal akong makipagusap sa kanya hanggat hindi siya ang kakausap sa akin. Kakainis"! ang alam ko talaga sekretarya ang trabaho ko dito hindi manghuhula. Bulong ni rassy sa kanyang sarili. At sa inis napasubsob siya sa kanyang lamesa. At kamutikan na siyang maghulog sa kanyang upuan dahil sa pagkagulat ng biglaang tumunog ang teleponong nasa lamesa niya. At bago pa magalit ang nasa kabilang linya mabilis niya na itong sinagot at pilit na pinapakalma ang kanyang boses bago siya nagsalita. " Hello........... " Dalhan mo ko nang makakain dito.! Yun lamang ang sinabi nang nasa kabilang linya at pabalabag nitong binagsak ang telepono. Kaya halos mayanig ang utak ni rassy dahil dito. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pumikit ng mariin at maingat na ibinababa ang teleponong hawak niya. Nang masiguradong naibalik niya ito ng maayos. Pabalabag siyang tumayo sa kanyang upuan at hinampas niya ang kanyang lamesa bago lumingon sa pintuang papasok ng opisina ng boss niya. " Pasalamat ka at mahalaga sa akin ang trabaho ko. At naging mabait sa akin ang magulang mo dahil kung hindi mapapatulan na talaga kitang mayabang ka!!!!! At bago pa siya mawala sa tamang pagiisip at mapatulan ang kanyang amo. Agad niya kinuha ang kanyang bag at bumaba na para bumili ng pagkain nito. At makabili na din nang makakain niya dahil pakiramdam niya nagutom siya ng dahil sa inis na pilit niyang pinipigilan dito. Sinigang na hipon, pork steak at pinakbet ang naisip niya bilhin sa kanyang amo. At dahil sikat na restaurant niya ito binili. Siguro naman hindi ito mag rereklamo dahil talaga namang masarap ang pakain dito. Medjo may kamahalan nga lang pero sulit naman sa lasa. At nang makumpleto na ang order niya para sa amo kinuha niya mula sa kanyang wallet ang black card ng kanyang boss. Card ito sa kompaya nila na sinadyang ipagawa para sa mga sekretarya. Para pag sa ganung biglaang may kailangang ipabili ang kanyang amo ito lamang ang pinambabayad niya. Chicken w/spaghetti , French fries , Burger, Coke float yan naman ang binili ni rassy para sa kanya. At Nang mailapag lahat ito sa kanyang lamesa. Agad naman siyang dumeretso sa pantry para mailipat sa maayos na lagayan ang pakaing binili para sa amo. At nang maiayos niya na lahat ito. Tumingin siya sa kanyang relo. At nang makitang saktong 12:00pm. Ay agad niyang binuhat ang tray na naglalaman ng pagkain para sa amo at dumiretso na agad sa opisina nito. Dalawang katok lamang ang kanyang ginawa at pumasok na siya sa opisina nito't inipag ang hawak na tray sa lamesang malapit sa kanya. At nang maayos na niya ang lahat. Hindi na siya nagsalita pa at tumungo na lamang upang ipaalam dito na ayos na ang pagkain nito at lalabas na siya. "Sarap."!!!!! grabe naubos ko lahat yun. Sa sobrang inis ko sa araw na to. Sa pagkain ko binawi ang lahat. Oh well deserve ko naman siguro kumain ng marami minsan. Teka tapos na kaya kumain yon. Paano ko naman kaya malalaman para kung tapos na siya mailigpit ko na ang kinainan niya. " Hayyy ang hirap ah palagi na lang ako maghihintay sa sasabihin niya. Nakanguso niya sabi sa sarili niya ng biglang tumunog ulit ang telepono niya hudyat na may voice record na mensahe doon. "I'm done. Yun lamang at dali-dali na siya tumayo at kinuha ang ginamitan ng kanyang boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD