RC 4
“Maganda na ba ako?” humarap ako kay Mhisty sabay quarter turn sa magkabilang side.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.”Pwede na. Saan ka ba pupunta? HImala yatang hindi ka confident sa outfit mo ah.”
“Pupuntahan ko si Vivian,” ngiting-ngiti kong sagot sa kanya.”Susunduin ko lang.”
“Style mo. Fertile ka no?”
“Pakyu ka. Fertile pinagsasabi mo diyan.”
Tawa lang siya nang tawa habang inaayos ko ulit ang buhok ko sa harap ng salamin. “so ganun ka kainteresado sa Vivian na to kaya pupuntahan mo? pers taym yan ha? Hindi ka confident sa outfit?”
Humarap ulit ako sa kanya.”Siguro. Unlike the others kasi hindi siya nagbibigay ng motibo hype. Kakaiba siya.”
“Hindi ka lang niya type. Huwag kang mafeeling Railey. Hindi lahat ng hinahalikan mo e naaadik sa laway mo. ha ha ha!”
Anghard talaga nitong babaeng to. Challenging ito! Umalis rin ako agad para maabutan ko si Vivian sa office TrINK Magazine. Hindi ako bumili ng kahit anong pasalubong para hindi niya isiping nagpapapansin ko. chill lang. ganun dapat kapag hindi nagbibigay ng motibo ang isang babae sayo. Chill chill at kilalanin pang maigi hanggat malaman mo ang mga bagay na nagpapakilig sa kanya.
Pinaderetso na ako ng guard sa second floor. Nung matanaw na niya ako ay kumaway naman siya.
“Over time Miss Luis?”bati ko sa kanya nang makalapit ako sa table niya.
“Medyo. Masakit na nga ulo ko dito e.”
Napansin ko ang pile ng mga articles na sa tabi ng monitor niya.”i-encode mo lahat yan?”
Tumango siya.”Nabobored kasi ako kanina. Wala pa kasi akong matinong article kaya nagvolunteer na lang akong mag-encode ng mga to. kailangan na rin sa next issue e.”
“Need help?”
Umiling siya.”Ayokong isipin nila na may back up ako. magkape ka muna dun.” Nginuso niya ang mahabang sofa. “pagtitimpla na langk ita. Black coffee or with cream?”
“With cream please…”
Isa pang tip. Kung gusto mo namang maapreciate ka niya dapat maapreciate mo rin ang mga konting efforts niya. ipagtitimpla ka na nga ng kape ayaw mo pa? kung hindi ka naman nagkakape atleast bawasan mo nang kaunti ang tinimpla niya.
Nagbabasa ako ng mga past issues ng TrINK. Maya’t-maya ay sinusulyapan ko siya ng tingin. Nakakatuwa siya o. concern na kung nabobored na ako. Medyo nabobored naman ako pero hindi dapat ipahalata sa kanya.
Nag-okay sign ako para hindi na siya mag-alala.
Patience! Kung gustong magpagood shot? Patience! Kung gustong maka-score? Patience! Hohoho. Pats my own shoulder in my hell of imagination baby!
--
Palabas na kami ng building.
“Pasensya ka na ha?”
“Ok lang naman.”
Sigurado naman magiging masarap ang kahihinatnan nito. Hays!
“May dinner ang team. Do you wanna come with us?”rinig kong alok ng boss niya.
Ano daw? c*m? Sinabi ba niyang c*m? Lintik na Mhisty yan. Tama nga ata siya fertile yata ako at kung anu-ano ang naiisip at naririnig ko.
“Sure po.”nag-i-stutter ko pang sagot.
“ok ka lang?”hawak ni Vivian sa braso ko.
“oo. Kulang lang yata ako sa tulog.”
“mainit ka ha. Sigurado kang ok ka lang?”
Oo! Pinagsisigawan ng isip ko. Fertile lang ako kaya normal lang na mainit ako ngayon. tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.
“Ok lang ako. Gutom lang.”
Nagconvoy kami ng mga katrabaho niya patungo sa resto. Palagi na rin yata sila dito dahil kilala na sila ng guard at mga waiter.
Kailangang magpa-impress nang kaunti.
“Order na lang kayo. It’s my treat.”alok ko sa kanila. Pipito lang naman kami kaya hindi pa nakakabutas ng bulsa.
“Galante ang friend mo Vivz ah. Sana laging ganito.”saad ni miss curly hair.”sana may friend din akong ganyan.”
“Ano ka ba? Ikaw na nga ang bisita ikaw pa ang manglilibre.”
“Ok lang. Share some blessings.”
Masaya silang nagkukwentuhan habang ako? Nagbebehave at hindi ako sumasabat. Hindi naman sila boring kasama pero firt time kong puro politics at gobyerno ang topic. I cannot relate!
“By the way Railey, anong trabaho mo? You seemed like one of those rich kids.”
“I own a bar.”
“Nice. Anong name ng bar mo? nang makalibre naman kami minsan diba Vivz?”
Nagsipag-oo nga naman sila. Si Vivian parang nahihiya sa inaasal ng mga katrabaho niya.
“Railey’s Cradle. Pasyal kayo minsan.”anyaya ko sa kanila.
Parang cool nga yon e! siyempre kakaibiganin ko muna ang mga to bago ko makuha ang interes ni Vivian. Good plan alright!
Nang malapit na kaming umalis ay nag-excuse ako para magretouch. Since busy rin naman sila sa kakadiscuss ng tungkol ulit sa project nila next month. Naghuhugas na ako ng kamay nang pumasok si Miss Curly hair.
“Hindi ka straight tama?”bungad niya agad sa akin.
“Why? You have problem with it?”
Umiling naman siya.”But you’ll have problems with Vivian. Hindi siya napatol sa bended gender.”
“magkaibigan lang kami.”
Tumawa naman siya at humalukipkip na sumandal sa gilid ng cubicle. “C’mone Railey. Hindi ka magsasayang ng oras para sunduin siya at ilibre ang buong team kung hindi ka interesado kay Vivian. Naamoy ko ang intension mo…” Lumapit pa siya sa akin at iginuhit ang hintuturo sa gilid ng labi ko. “Lumampas ang lipstick mo…”
She smiled seductively while she is tracing my jaw line. Ngayon ay sigurado ako sa narinig kong pag-lock ng pinto kaninang pagpasok niya.
“Should I be grateful that I am having this moment with the Railey?”
For once! The f**k! Nanghihina ang tuhod ko sa pagresist sa babaeng to! Hinigit ko siya sa beywang. My right thigh is in between her legs as I close the gap between us with a kiss on her lips. She is really into it! We are having such intense tongue battle when she tried to unbuttoned my pants.
Pinigil ko ang kamay niya at bahagyang lumayo sa kanya.
“Sorry. Not my style.”
Inayos ko ang damit ko at hinawi ang buhok ko gamit ang aking mga kamay bago ako tuluyang lumabas ng comfort room. That was close! Actually, ayaw kong ako ang dinitiktahan. She is aggressive she wanted to be in control. That’s a big no no!
“Tagal mo ha…”puna sa akin ni Vivian pagbalik ko sa mesa.”nakita mo si Cris? Halos kasunod mo lang e.”
Tumango naman ako. ”She’s still there.”
She must have been doing herself at this moment. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na siya. Matalim ang tingin niya sa akin. Nabitin e! Kasalanan ko pa ba?
“Tagal mo naman Cris. Empatso lang?”
“Oo ee. Lakas kasing magpakain nitong si Railey. Bigatin.”
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Paalis na kami at nasa tapat na ako ng kotse ko nang muli akong tinawag ni Cris.
“Yeah?”lingon ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at iniaabot ang isang papel na naglalaman ng number niya. inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.
“You can always give me a beep. I can’t help but fantasize working on you.”
Parang walang nangyari siyang pinuntahan ang mga katrabaho nila at nagwave good bye sa akin. pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse ay winarningan ko na agad si Vivian.
“Yung si Cris, mag-ingat ka sa kanya.”
“Mabait naman siya.”
“Yeah right. Ang sinasabi ko lang mag-ingat ka kasi hindi siya straight at napakaaggressive niya. She wanted to do it with me.”
“Talaga?”biglang naging interesado naman siya.”Paano? tumanggi ka? Bakit? Maganda naman si Cris ah?”
Kunot-noo ko siyang tinitigan.”Parang sayo pa yata ako dapat mag-ingat. Baka ibugaw mo pa ako.”
Natawa naman siya at umayos ng upo.”Curious lang no. Hatid mo na nga ako para makapagbihis na.”
“Bakit? Saan ka ba ulit pupunta?”
Ngumiti siya at ipinakita sa akin ang isang poster.”nakita ko sa f*******:. Seems interesting. Makakakuha ako ng iba’t-ibang views diyan diba?”
“Lesbian Bar? Bakit diyan pa sa Harlock’s ka pupunta. Huwag diyan delikado diyan e.”
“Anong delikado dito? Sasamahan mo naman ako diba?”
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makakasama ko siya o maiinis dahil sa Harlock’s kami pupunta. Napuntahan ko na ang bar na ‘yon at hindi ko gusto ang ambiance.
“Wala na bang ibang pwedeng puntahan?”
“Gusto ko dito e. Bakit ba? Sasamahan mo ba ako o ako lang ang pupunta?”
“Sasamahan na kita kahit saang bar pa yan. Huwag ka lang magtataka kung bigla akong mawala sa tabi mo. Alam mo na. Lakas ng appeal ko pagkakaguluhan ako dun.”
Shitness! Umabre-siete siya sa kanang braso ko! “Sabi ko na nga ba. Hindi mo ako matitiis my friend e.”
Tengeneng kuryente yan! Pagdantay pa lang ng balat niya sa akin nakaka-ewan na ang sistema paano pa kapag,urgh! Ayokong isipin!
--