-- 30 December 10th. "Ready ka na?" "Ano pa nga ba?" Isinukbit ko ang sling bag ko. "This better be good." "Siyempre! Para hindi mo maalala yang hurt hurt mong heart." "Pride ko ang nasaktan. Hindi puso." "Whatever Railey!" I really don't know where we are going. Ikinwento ko naman na sa kanila ang pinagdadaanan ko. Kailangan ko daw magbakasyon muna. Iba daw kasi to dahil ako ang niloko kaya dapat pagdaanan ko din ang ritwal ng mga moving on. I do have weird friends ha? "Paano na ang resto kung aalis ka? Pwede namang ako lang ang magbakasyon. O huwag na lang. sa negosyo na lang yung oras. Sayang ang pera." Kunot noo na naman siya. "Hanggang sa huli ba aapela ka pa? Wala nang atrasan to." Wala na akong nagawa. Hindi naman talaga siya papipigil. Hindi niya sinabi sa akin kung saan

