Ala syete kinaumagahan. Namulat akong mag-isa sa kama. Ang sakit ng ulo ko, hang over ba ito? Napangiwi ako habang kinakapa ang ulo ko. Ang bigat sa pakirdam na halos ayoko na muna imulat ang mga matang tila ay may nakapatong na kung anong mabigat na bagay. Napadilat ako agad nang bigla na lang naalala ko ang mga nangyari kagabi. Pero napaisip ako kung may nangyari nga sa amin ng asawa ko.
Hinahagilap ko sa diwa ko, parang wala.
Naalala ko agad si Jeff. Nasaan ba siya? Bakit wala ang asawa ko sa tabi ko?
Bumangon ako at nasilayan kong bukas ang terrace ng kwarto namin. Naglakad ako patungo doon. May round table, at may nakahandang pagkain sa ibabaw noon.
Ipinagpatuloy ko ang paghakbang patungo doon.
Maya-maya ay narating ko na nga.
Laglag ang panga ko nang makita ko siyang naroroon. Napalunok na lang ako habang dahan-dahan kong hinuhugot ang aking hininga.
Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko. Habang siya ay papalapit, kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kinikilig ako sa mga titig na iyon. Ang gwapo gwapo talaga ng asawa ko sa suot niyang puting sando na bakas na bakas ang kakisigan ng kaniyang mga braso at matitigas na abs niyang nanunukso sa mga mata ko. Kahit araw-araw akong nakakakita nito sa gym ay parang bago pa din sa pakiramdam ko.
Nararamdaman ko ang tensiyon sa dibdib ko. Ano ba naman 'yan, kung kailan naman ako tumanda, doon pa ako parang mapapatili sa kilig dahil sa lalapitan niya ako.
Nakatitig ang kaniyang mga matang mapang-akit. Nagpipigil ako ng hininga ko, ‘di pa kaya ako nagsipilyo o naghilamos man lang. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa mga pisngi ko. Dahil papalapit na talaga siya sa mukha ko.
Humawak siya sa leeg ko. Ang init ng mga palad niya. Unti unti ay dumapo na ang mala-langit niyang halik sa aking mga labi.
“I love you, Lesley Montemayor.” ang sambit niya at nagpatuloy ang palitan namin ng mga halik.
Heaven feels. Hindi ko nais maudlot ang pagkakataong iyon. Yumakap ang mga kamay ko sa kaniya habang ninanamnam ko ang matamis niyang mga halik. Ito na ba talaga ‘yun? Parang natataranta ako sa loob.
Humakbang siya na para bang ako ay tinutulak niya papasok ng kwarto. Sa lahat ng adventures ko sa ibang bansa, ang adventure na ito na kasama siya ay hinding hindi makapapantay. We kiss while we head into the bed.
Napabilis ang kabog sa dibdib ko sa pag-iisip na ako at siya lang ang naririto sa loob ng kwarto.
Iyong malayang malaya kaming dalawa. Sa loob ng apat na taong magkarelasyon kami ay ngayon pa lang namin mararanasan ang magkaroon ng privacy.
Inihiga niya ako. Namimilog kaya ang mga mata ko na parang nasasabik na kinakabahan. Parang kailangan ko ng tubig sa oras na iyon. Oo, kailangan ko ng tubig, kung pwede lang mag excuse para magsipilyo saglit, gagawin ko. Pero parang hindi na ako aabot sa puntong iyon, andito na kami. Bakit ko pa palalampasin?
Ang tamis pa naman ng mga bibig niya. Lagi kong hinahanap-hanap mula noong una kaming magkita habang nasa bakasyon kami pareho. Sa pagkakataong ito, ay hindi na mwah and hugs na text ang paraan ng pagpparamdam ng pagmamahalan namin ng asawa ko.
Lumipas ang mga minuto. Masasabi kong were both fulfilled. Ganoon pala iyon? Ang sarap dahil mahal na mahal niyo ang isa’t isa.
Nakahiga kami magkayakap. Naririnig ko ang t***k ng puso niya habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ang sarap ng pakiramdam na secured ka sa tabi ng taong matagal mo ng pinangarap na makasama.
“Hon, mag breakfast na tayo.” ang yaya ko sa kaniya.
“Gutom ka na ba? I’m sorry kung ginutom kita ng kay aga-aga,” tugon naman niya.
Bumangon ako, at ganoon din siya. Magkahawak kamay kaming tumungo sa terrace para mag umagahan. Our first breakfast as Mr and Mrs Montemayor.
Masayang masaya ako sa oras na iyon. Kasabay kong kumakain ang lalaking pinili kong makasama sa habang buhay at bumuo ng sariling pamilya.
Click-click, ang tunog mula sa phone ni Earl. Nasa harap lang namin iyon. Hindi niya pinansin ang phone niya at nagpatuloy lang sa pagkain. Maya-maya ay tumayo na ako.
“Hon, shower lang ako.” sabi ko.
“Sure hon, take your time.” Nakangiti niyang tugon sa akin.
Lumakad ako papasok ng kwarto. Kahit medyo may kirot sa ibaba ko. Kumuha ako ng bath towel at ng mga shower essentials ko mula sa cabinet. Tumungo na ako ng banyo at naligo dahil pagkatapos nito ay may pupuntahan kaming dalawa.
Mag celebrate ng unang araw na mag-asawa na. Excited ako sa mga darating na mga araw na kasama ko na siya.
Ganito pala iyon, parang nakalutang ka sa kagalakan na parang ayaw mong kumawala sa pakiramdam na umaapaw ang kasiyahan sa iyong dibdib.
Napapangiti habang naliligo. Naalala ang mga sandaling pinagsaluhan. Ang sandaling ipinilit niya ng dahan-dahan kahit masikip. Pero wala iyon, ayos na ayos.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Nakatakip ng tuwalya ang katawan ko at tumutulo ang tubig mula sa buhok ko. Nilapitan ako ng asawa ko para iabot ang tuyong towel nang sa ganoon ay mapatuyo ko ang buhok ko.
Agad naman ay pumasok na siya ng CR para maligo.
Napapangiti ako, kilig ba talaga ito? Napakalambing naman talaga niya. Mabuti na lang at hindi na siya ang dating Jeff ng buhay ko na lagi akong pinaiiyak noong mga bata pa kami.
Nakapagbihis na ako at nagsusuklay ng buhok. Biglaang tumunog ang phone niya na naiwan sa terrace. Naglakad ako patungo doon to check who’s calling. Baka importante at work related.
Dinampot ko ang phone niya and the person calling is Lucas. Napaisip ako bigla, kung sino si Lucas? Naalala ko tuloy ang unang boyfriend ko noong high school na kapareho ng pangalan niya. Ang lalaking nakarelasyon ko na hindi naman nagtagal dahilan ng hindi ko na pagpasok sa anumang relasyon noon.
Mabuti na lang at itinadhana ako na muli ay makasama si Jeff. Dinampot ko ang phone niya at sinubukan kong sagutin ang tawag na iyon. Subalit hindi ko naabutan. Ibinaba ito ni Lucas.
Maya-maya ay lumabas nang cr si Jeff. Nakatapis ng tuwalyang puti. Ang yummy talaga niya tingnan.
“Hon, bihis ka na?” ang tanong niya sa akin.
“Yeah, kanina pa ako tapos. Tumawag si Lucas.”
“Ah, siya ba? Katrabaho ko sa barko.”
“Uhmmm okay,” sabi ko.
“Sinagot mo ba ang tawag niya? Ano daw sabi?”
“Ah wala, hon, hindi ko naabutan ang tawag niya. Ibinaba niya agad baka hindi naman mahalaga. Hindi ba nila alam na nasa honeymoon ka? Sana wala munang work related issues para naman masolo kita.”