CHAPTER 02
Claudine Sy
For those who want to ruin their lives, I’ll show you how in an instant. Ilang buwan lang, sira na agad ang buhay mo.
My both hands are shaking as I stare at what I’m holding. My report card. Hindi pa ako nakakabawi simula nang malaman ko kanina na hindi na ako ang nangunguna sa klase, mas pinalala pa na hindi man lang ako nakasali sa may mga honors.
At ngayon, hawak ko ang papel na siguradong sisira na naman sa buhay ko. Line of seventy, hindi lang isang subject kundi dalawa pa!
Ito ang kauna-unahang beses na nangyari ‘to. Since Elementary, I’m always at the top of class. I always aim higher grades and made sure that it’s improving. I’m competitive and I’m obsessed with high numbers. Kasi kapag hindi ko nagawa ‘yon, isang malaking disappointment ang matatamo ko.
I tried to act cool, thinking everything will be okay. Kanina ay nagpunta ako sa teacher’s faculty upang humingi ng tulong tungkol sa mga grades ko. Kaya lang, nakakaawang tingin ang mga binigay nila sa ‘kin.
I get it, it’s already done and written. Hindi na talaga ito magbabago.
I walked stoically in the hallway. I acted as if my life would not be ruined. Or was it destroyed already? I’m good at pretending that I’m fine, even if it’s not. Nobody cares, but I have to, maybe to save my image?
“Si Claudine na naman top one ninyo, ‘no? Masyado ng obvious.”
“Ah! May chika ako, hindi na siya ang first honor.”
“Totoo ‘yan? Si Reme na pala ang nag-first? First time yata maging second ni Claudine.”
“Wala na siya sa honor.”
Akala nila hindi ko alam. That they always talk about me and secretly called me names. Hindi na bago sa pandinig ko ang mga salitang Ms. Perfectionist, istrikta, at masyadong seryoso sa buhay. I created my image that way, so it’s fine.
Kaya lang, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ngayon. I always caught them gossiping about me kasi matalino ako, kasi pabida ako sa klase. Wala naman akong pake dahil alam kong naiinggit lang sila. ‘Yon kasi ang mga bagay na hindi nila kayang gawin. Ang maging matalino.
But now the table turns, binibigyan nila ako ng mga nakakaawang tingin. I really don’t like it. Awang-awa na ako sa sarili ko kaya hindi ko na kailangan ang awa nila.
In the midst of chaos inside my mind. Napatigil ako sa paglalakad papuntang cafeteria nang matanaw ang grupo nina Kelvin. My ex-boyfriend. Ang mas masaklap pa, kaakbay na naman niya ang bagong girlfriend na ipinalit sa ‘kin.
Kelvin is a known varsity player in our school. Guwapo, matangkad, mayaman, at sikat. He’s like the Hermosa’s school prince. Hindi mabilang ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. He courted me and I answered yes despite his reputation of having countless ex-girlfriends.
Doon lang yata ako natinag. In an instant, biglang nawasak ang maskarang suot-suot ko kanina pa.
“Oh, gosh! Ang saklap.”
“Kaya siguro siya natanggal sa honor role. Brokenhearted.”
“Totoo nga ang sinabi nila na kapag matalino, bobo raw sa pag-ibig.”
Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha. This is so pathetic! Ako na nga ang sinaktan, ako pa itong nagdurusa ngayon. Ako pa itong walang lakas na humarap sa kanya when it should be him!
Agad akong tumalikod at nagmamadaling umalis. Saglit pa akong natigilan nang marinig ang sinabi ng isang kaibigan niya.
“Bro! Balita ko kasali ka sa honor ng section ninyo? Naks, congratulations!”
Wow. Baliktad na nga yata talaga ang mundo. Umiling ako bago nagpatuloy sa pagtakbo. Wala na akong pake sa mga tingin na ibinibigay nila sa ‘kin, ang mahalaga ay hindi ko makasalubong si Kelvin. Hindi ko kaya.
Hindi ko alam kung bakit pinili ng paa ko ang tumakbo sa abandonadong classroom na ito. Madalas itong katakutan ng mga kaklase ko dahil sa usap-usapang may nagpakamatay raw rito. Pero ngayon, hindi man lang ako nakaramdam ng takot.
Pumasok ako sa loob at umupo sa isang sirang silya. Sapo-sapo ko ang mukha habang umiiyak.
Ang tanga lang, sobrang baba ng grades ko pero mas iniiyakan ko pa ang walang kuwentang lalaking iyon.
It’s so fool of me to think na ako na ang babaeng magpapabago sa kanya. That maybe because of me, sa seryosong relasyon na siya mapupunta. Alam ko ang pinagkaiba ko sa ibang babae. My standards are more higher than them, I’m smart and very responsible. I always strive to be perfect.
Sa tatlong buwan naming relasyon, sinikap kong maging maayos ang lahat. I could change him, only to find out that I am just going to be one of his collections, one to put on his list. I’m not the one who will wrap it because here is his next.
I want to blame him so badly. Sinuway ko ang mga magulang ko dahil sa kanya, I silently rebelled for the first time in my life. I trusted and loved him. I gave him my time and gave up a lot of things. I came this far because of him, but he ended up throwing me like trash.
Gusto ko siyang sisihin kung bakit ako nag-failed. Pero sa huli alam kong kasalanan ko rin. Ako itong tanga, ako ang nagpaloko, ako ang nagpabaya sa pag-aaral.
“Claudine, what happened to you?” Umiiyak kong tanong sa sarili. I wiped my tears, but another set of them fell.
Funny how I underestimate love before. Dati, tinatawanan ko sa isip ang mga babaeng umiiyak dahil sa boyfriend nila. It’s weak and pathetic to cry for someone na in the first place alam mo namang instant lang.
We’re fourteen, fifteen, seventeen. Loving someone is not true at this age. Even Juliet, who fell in love at thirteen, failed.
Pero heto ako ngayon, umiiyak sa dating pinapaniwalaan ko na walang katuturang bagay. Questioning myself how do I get in here. Sobrang bilis ng mga nangyari.
At my age, falling in love is easy. The healing and how you will move on is the hardest.
“Ano ba ‘yan, ang drama!” Natigilan ako sa pag-iyak nang may magsalita mula sa katabing classroom.