CHAPTER 21.2 “Hoy, saan ka pupunta? Bawal pang lumabas ngayon! Hindi pa open gate!” Dire-diretso lang ang lakad ko kahit na sinisigawan na ‘ko ng bodyguard. Nang maramdaman kong lalapitan niya ‘ko ay nagmamadali akong tumakbo. Basang-basa ang mukha ko ng pinaghalong pawis at luha. Pakiramdam ko ay sasabog na ‘ko sa galit at sa sama ng aking loob ngayon. I can’t believe Kelvin dump me just like that. Ni hindi man lang niya nagawang kumurap. Ganun kadali niya iyong nagawa at nasabi sa ‘kin. How dare him! Hindi ako makapaniwala. Habol-habol ko ang hininga habang pinapara ang palapit na tricycle sa ‘kin. Paulit-ulit kong pinunasan ang mukha pero ayaw mag paawat ng mga luha ko. I think I’m going crazy right now! Sumakay ako ng tricycle kahit na hindi ko alam saan ako papunta. Nang makau

