Chapter 3 - Slow Mo

622 Words
Napapikit sko nang sabay kami bumagsak. Nakapatong ako kay Sky, habang siya ay nadaghanan ko! Unti-unti akong nagmulat ng mga mata ko ta nang nakamulat na ako ay natingin na pala siya sa 'kin, sa mukha ko kaya bigla naman akong nailang. Agad na akong kumilos nang bigla siya dumaing. "A-aray!" "Hala sorry! Halika ka, kaya mo bang tumayo?" Inalalayan ko siya at tinanong kung saan ang masakit. "Okay lang ako, Gab. Thank you! Muntik na 'ko do'n, ah. Ikaw ayos ka lang ba?" tanong niya pero wala naman akong natong galos, pero siya ay mero. Napansin kong pay galos siya sa siko, at dumudugo 'yon! "May sugat ka, Sky. sandali lang, hintayin mo 'ko dito kunin ko lang ang bag ko at ibabalik ko lang 'yong hiniram kong bike no'ng bata," paalam ko sa kan'ya. ~Sky~ Nagulat ako nang may humablt sa braso, at sabay kaming bumagsak. Huli na nang mapagtano kong si Gabby pala 'yon! Nakapikit ito habang nakapatong sa ibabaw ko, sandali kong pinagmasdan ang mukha niya dahil do'n ay as makita ko ng mas malapita. Ang ganda niya, ang haba ng pilik mata at ang kinis ng mukha niya. Mas bumagay pa sa kan'ya ng lumugay ay buhok niya, babaeng-babae siya sa paningin ko kung ganito ang ayos niya. Napadako naman ay mga mata ko sa labi niya na natural ang pagka-pula. Parang ang sarap halikan, pero bigla siya nagmulat ng mga mata kung kaya't inuon ko sa mukha niya ang pagtitig. Bigla siyang kumilos kaya napadaing ako sa sakit ng siko ko. "A-aray!" "Hala sorry! Halika ka, kaya mo bang tumayo?" Inalalayan ako nito upang tumayo at tinanong kung saan ang masakit. "Okay lang ako, Gab. Thank you! Muntik na 'ko do'n, ah. Ikaw ayos ka lang ba?" tanong ko rito, manuti na lang ay wala naman siyang galos, ako lang.Napansin kong niyang may galos ako sa siko, at dumudugo na 'yon. "May sugat ka, Sky. Sandali lang hintayin mo 'ko dito, kunin ko lang ang bag ko at ibabalik ko lang 'yong hiniram kong bike no'ng bata," paalam ko niya saglit sa 'kin. 'Hanep ang bilis niya! Nagawa niya 'yon?' Nang makabalik siya ay inakay na niya ako. "Halika na umakbay ka sa 'kin. Ikaw kasi takbo ka nang takbo. Tinatawag na nga kita para tumigil ka dahil may sasakyan, ayaw mong paawat," sermon na naman nito sa 'kin. "Saan pa ang masakit?" alam kong nag-aalala siya talaga sa 'kin at natutuwa ako do'n. Ewan ko parang ibang Gabby ang nakita ko kanina, para talaga siyang babae. Well, babae naman talaga siya. I mean 'yong hindi siya tomboy as in straight siyang babae ma talaga! "Wala na 'yon lang naman, ayos na 'ko at 'wag ka nang mag-alala." tumitig naman ito sa 'kin, inaalam kung nagsasabi ako ng tutuo. Nagulat na lang ulit ako nang bigla ako nitong yakapin. "Loko ka! Pinag-alala mo 'ko, alam mo ba 'yon?" Niyakap ko rin siya pabalik, maramdaman ko ang katawan niya at ang dibdib niya kahit hindi sabihin alam kong meron siyang pag-mamalaki do'n. Parang bigla akong nailang sa dahil do'n kaya ako na ang unang kumalas. Med'yo uminit ang pakiramdam ko sa lambot ng katawan niya at nang biglang humangin ay tinangay ang mahaba niyang buhok. Parang tumigil ang paligid namin at siya lang ang nakikita ko, ewan ko basta ang ganda talaga ni Gab. Naputol ako sa gano'ng pag-iisip nang bigla niya akong tapikin. "Woi! Anong nangyayari sa 'yo? Natulala ka na d'yan? Hindi naman nabagok 'yang ulo mo, ah!" "H-hah? Oo ayos na 'ko, promise," paniniguro ko sa kan'ya. "Tss.. Halika na, at nang magamot na natin 'yang sugat mo!" kaya nagpatuloy na kaming maglakad pauwi. Hindi ko maintindihan, biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD