CHAPTER 75 Simon’s PoV “Why!” Mariin ang pagtutol ko sa gustong mangyari ni Sam. Pinakita niya sa akin ang isang kapirasong papel. Napakunot ang aking noo nang binasa ko ito. Subpoena for breach of contract… Nakatungo lang si Sam, ramdam ko ang takot niya. “Damn it, Sam! It's been a year na nag exit ka na sa showbiz bakit ngayon lang yan?” Napatingin siya sa akin, ang mga mata niya ay litong-lito rin. Paanong sinampahan siya ng kasong paglabag ng kontrata between the producers ng napakalaking entertainment network? “Hindi ko alam, Love. Kaya nga sabi ni Toni, bumalik na raw ako sa showbiz at ituloy yung project na iniwan ko.” “Project? I thought, cleared na lahat yun ni Gab before he hired you?” “Sa pagkakaalam ko rin, Love—” “Then, walang breach of contract na nangyari. Gab

