CHAPTER 8 “Boss, hawak ko na po ang result. Papunta na po ako para ibigay sa inyo.” “Alright, meet me at the greenhouse. Bilisan mo.” Kumakabog ang dibdib ni Gabriel matapos makipag usap sa kanang- kamay niya. Isang buwan din niyang hinintay ang resulta ng DNA test. Dalawang test ito, paternity test nila ni Jenny at maternity test naman ni Addie. Simula nang sinabihan siya ni Simon na bumalik na ng hacienda dahil malubha na ang karamdaman ng kanilang ama, nakaratay na lang ito sa kama, gumawa na ng plano si Gabriel. Kung nag- abala pa si Simon na tawagan siya para sabihin ang mga bagay na iyon, siguradong totoo ito. Hindi lulunukin ni Simon ang pride niya kung hindi ito totoo. Pinaimbestigahan ni Gabriel kay Pancho kung ano na ang nangyayari sa hacienda. May kalakip na pictures a

