CHAPTER 44 “Gob, ako na ang bahala mag bigay kay Addie ng perang kailangan niya. Just enjoy your vacay with your kids.” Wala nang masabi si Addie, malaki ang pera na kailangan niya. Milyon milyon. Para ito sa agarang pagpapatayo niya ng business na luxury brand ng mga bag. Kay Eros niya sana hihiramin ang kapital, barya lang naman iyon sa gobernador pero sa gaya niya na mahirap ay tila imposible makakalap ng ganito kalaking kapital ng mabilisan. Kailangan niya si Eros. Pero dahil si Simon ang nasa tabi niya, ito na ang sumalo. Ayaw niya talaga pag usapang pera na, malulugmok siya sa utang na loob. Paano niya gagantihan ang ganito kabait na lalaki? Nakaka konsensya. “Nagawa ko na ang gusto mo. Na-set up ko na ang Elle Boutique na store mo,” sabi ni Simon kay Addie at binigay din niya

