CHAPTER 59 Paakyat na sana sina Gabriel at Addie sa kanilang silid nang may biglang pumigil sa kanilang pag-akyat. Isa, dalawa, tatlong hakbang pa sana sa hagdan pero napatigil sila dahil sa isang pamilyar na tinig. “Addie…” Sabi nito. Ang boses ng ina ni Addie na matagal na niyang hindi naririnig. Nilingon nila ang pinagmulan ng tinig. At sa gitna ng bulwagan, sa ilalim ng chandelier, sa gitna ng katahimikan matapos ang engrandeng kasiyahan, naroon ang isang babae. Si Nanay Selina. Parang nanlambot ang tuhod ni Addie. Napakapit siya sa braso ni Gabriel. Ang huling balita sa kanyang ina ay nalunod ito sa ilog. Ang sabi ng mga tauhan ni Donya Serafim, dinispatsa na raw ito. Pero heto siya, buo, buhay at lumuluha rin. “Nanay…” bulong ni Addie habang lumuluha. Tumakbo siya pababa ng h

