CHAPTER 63 ISANG LINGGO PARA SA NAKATAKDANG DOUBLE WEDDING NILA SIMON AT GABRIEL… “Oh my ghad, Addie! Totoo ba ‘to? Daig ko pa ang ikakasal nito!” bulalas ni Tina na halos mahimatay na sa sobrang saya matapos mabasa sa invitation ang pangalan niya at ni Gob Eros bilang Maid of Honor at Best Man ni Addie. Matagal na siyang inabisuhan na magiging Maid of Honor siya. Pero hindi niya alam na si Gob Eros pala ang makakapartner niya na Best Man. “Nakalagay na nga. Malinaw na ang pangalan niyong nakasulat diyan,” sagot ni Addie at agad ding umalis ng kusina dahil tinawag siya ni Gabriel. Kailangan kasi nilang mauna sa simbahan para sa final rehearsal. “Bagay sa'yo Tina, maging Maid of Honor. Literal ka kasing maid,” sabi ni Lavinia at nagtawanan naman sila Emingard at Sarah habang naglilig

