CHAPTER 95 Simon’s PoV Pagkapasok ko pa lang ng sasakyan sa hacienda, ramdam na agad namin ni Sam ang kakaibang atmosphere. Ibang klaseng saya at excitement ang nasa paligid. May mga banderitas, balloons, at pang baby decor pero may something talaga na kakaiba. Hindi lang simpleng welcome-home party ang inabutan namin isa itong malaking salo-salo na parang fiesta. Hindi ko na ikakaila, nakakataba ng puso na ganito kamahal at ka-excited ang lahat sa pagbabalik namin… pero higit sa lahat, sa pagdating ng aming anak si James. Hawak ko si Sam habang dahan-dahan kaming bumababa ng sasakyan. Kita ko sa mukha niya ang pagod gawa ng panganganak at puyat sa pagbreast feed pero nangingibabaw pa rin ang glow ng pagiging new mom. Nasa mga bisig niya si James, mahimbing ang tulog nito kahit na ang

