"Daniella! Gising na!"
Nagising ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ng aking pinsan na si Avianna. Halos kalampagin niya ang pinto ng kwarto ko. Hindi pa nga kami nakakapagbayad ng upa dito sa apartment, balak niya pa atang sirain ang pinto.
"Hoy Daniella Marie! Bumangon ka na diyan! May interview ka pa sa Zaldivar Group of Companies."
Ang ingay ni Avianna. Mas daig niya pa ang alarm clock sa umaga. Ngunit tama siya, kailangan kong maging handa para sa interview.
"Oo na! Heto na madame Avianna! Gising na po!"
Kahit na gusto ko pang matulog, wala akong ibang choice kundi bumangon. Kailangan ko ng pera, kaya hindi dapat ako mag-inarte.
Hindi pwedeng late ako sa interview kaya mabilis kong niligpit ang higaan ko at kinuha ang naka-hanger na towel.
Habang naliligo, nag-practice na ako ng mga sagot ko sa posibleng tanong sa interview ko sa Zaldivar group of companies.
"Okay, tell me about yourself?" tanong ko sa sarili ko habang naglalagay ng shampoo.
"I'm Daniella Marie Marasigan, taking Bachelor of Science in Business Administration, major in human resources management. I am excited about the opportunity to apply my skills and knowledge in a practical setting, especially at a prestigious company like Zaldivar Group of companies..."
Isang linggo na akong panay practice ng questions and answers–'yong tatanungin ko ang sarili ko, at ako lang din ang sasagot. Parang tanga lang pero ito ang paraan ko para maging handa at maging confident sa interview.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng isang itim na blazer at puting blouse, kasama ang pencil skirt. Matambok ang pwet ko kaya nahirapan pa akong isuot ito. Kahit payat ako, pinagpala naman ako sa kurba ng katawan.
Isa sa mga assets ko ang pwet at malusog na dibdib. Kung kagandahan naman ang pag-uusapan, ayos lang. Hindi ako masyadong maganda, hindi rin naman panget. Kung pagtatabihihin kami ng pinsan kong si Avianna, parang katulong niya lang ako sa sobrang ganda niya. Half German siya kaya naman mestiza, samantalang ako morena.
Pero noong highschool, madalas akong maging muse. Hindi ko alam kung trip lang ng kaklase ko na iboto ako bilang muse, pero sabi nila, maganda naman daw ako–Filipina beauty at kung pagmamasdan ng mabuti, mas lalo daw akong gumaganda at hindi nakakasawang titigan. Pero hindi ko alam kung totoo 'yong mga pinagsasabi nila. Kasi hanggang ngayon, wala pa rin akong boyfriend. May nanliligaw naman, pero sumusuko agad.
Pagkatapos kong magbihis, agad akong nagsuklay ng buhok at naglagay ng kaunting make-up. Sapat na ang simpleng pulbo, kaunting blush, at isang nude lipstick para magmukha akong propesyonal. Hindi naman blind date ang pupuntahan ko, at higit sa lahat, gusto kong mag-focus sila sa kakayahan ko, hindi lang sa itsura ko.
"Okay, Daniella Marie, kaya mo 'to," bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Hinanda ko na rin ang mga gamit na kailangan kong dalhin—resume, at ilang kopya ng mga reference letters mula sa mga professor ko.
Kinuha ang black heels ko sa ilalim ng aking kama. Napaubo ako dahil halos balutin ito ng alikabok. Hindi rin kasi ako mahilig magsuot ng heels kaya naman halos isang taon ko na rin itong hindi nasusuot.
Kumuha ako ng wet wipes sa bag at pinunasan ito. Pumasok naman si Avianna sa kwarto ko na may dalang kape.
"Yan ang isusuot mong heels?" Nakataas ang kilay niya habang sumisimsim ng kape.
"Oo...hindi ba bagay?"
"Hindi. Masyadong old fashioned. Wait lang, 'yong heels ko nalang ang isuot mo."
Nagmamadaling lumabas si Avianna. At nang bumalik siya, may dala na siyang red stiletto na mukhang bagong bili.
"Ito ang isuot mo." Inabot niya sa'kin ang red stiletto.
“Mas bagay ‘yan sa’yo! You need to look confident sa job interview mo. And nothing says confidence like a good pair of heels. Plus, mas sexy ka d’yan Dani.”
"Sige na nga, subukan ko na lang.”
Nagdadalawang-isip pa ako sa red stiletto kung ito ang gagamitin ko–pero hindi ko na pinatagal ang pag-aalinlangan, sinuot ko na agad ito.
"Alam mo ba na swerte ang red stiletto sa trabaho at sa lovelife."
Kumunot ang noo ko sa trivia ni Avianna.
"Trabaho lang hanap ko, hindi lovelife."
"Well, hindi natin alam. Malay mo, it could be a lucky charm for both. May love life ka na, may trabaho pa." Tumawa si Avianna. Palagi niya na lang akong inaasar na mag-boyfriend na raw ako.
"Ewan ko sayo, Avianna." Napailing nalang ako, kasi trabaho naman talaga ang unang hanap ko. Saka na 'yang lovelife. 'Yang mga lalaki sakit lang 'yan sa ulo, dagdag sa problema.
Dahil wala na akong sapat na oras, hindi na ako kumain ng agahan kahit na ramdam ko ang pangangalam ng sikmura ko.
Mabilis akong lumabas ng apartment, at nag-abang ng taxi sa may kanto.
"Please..." Panay dasal ako na sana may dumaan agad na taxi, kulang nalang tawagin ko lahat ng santo. Pero ilang minuto na akong nakatayo, wala pa rin.
Ramdam ko na ang tensyon habang patuloy kong sinisilip ang relo ko. Ayoko talagang ma-late, pero parang sinusubok ako ng pagkakataon.
Nagmamadali akong naglakad at nagpunta malapit sa bus stop kung saan may mas maraming sasakyan.
Ang init ng araw at ang red stiletto na suot ko ay hindi nakatulong para maibsan ang stress na nararamdaman ko. Parang pinagsasabay ng mundo ang lahat ng pahirap para lang mahuli ako sa interview.
Alam kong oras ang kalaban ko ngayon, kaya kahit nakakairita ang init at ingay ng paligid, hindi ko na ito inalintana.
Habang naglalakad, narinig ko ang tunog ng paparating na bus. Agad akong tumakbo papunta sa bus stop kahit na hindi ito ganoon kalapit. Pakiramdam ko para akong nasa marathon sa gitna ng init ng araw.
"Para po!" sigaw ko habang pumapara sa bus.
Buti na lang at huminto ang bus. Mabilis akong sumakay at napamura ako nang makita kong puno na ang bus. Wala ng bakanteng upuan kaya nakatayo na 'yong ibang pasahero. Pero hindi na ako nag-inarte dahil future ko ang nakasalalay dito.
Nagtiis na lang ako sa pagkakapit sa handrail habang sinisingit ang sarili ko sa gitna ng mga pasaherong parang sardinas sa lata.
Ang init, ang sikip, at hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nasagi sa braso, bag, at kung anu-ano pang parte ng katawan ng ibang tao. Pero okay lang. Focus lang, Daniella. Focus sa interview.
Habang nakatayo, napaigtad ako nang maramdaman kong parang may humawak sa pwet ko sa likuran. Pero baka aksidente lang kaya hinayaan ko nalang.
Kaso naramdaman ko ulit ang kamay na humaplos sa aking pwet.
Ang init na nga ng ulo ko sa lahat ng nangyayari, tapos mamanyakin pa ako. Hindi na ito aksidente, at alam ko na may intensyon.
Inis akong lumingon, at walang pag-aalinlangang sinampal ang lalaking nakapwesto sa likuran ko.
"Bástos!" Sigaw ko sa kanya kasabay ang malakas na sampal.
"What the f**k! Hoy babae bakit mo ako sinampal?!" sagot ng lalaki–nakatingin sa akin ng may galit at inis.
Ako naman nagpatunganga nang mapagmasdan ko ng malapitan ang mukha ng lalaki.
Ang gwapo niya tangína! Kaso nga lang manyakís.
"Hoy babae, naririnig mo ba ako?" aniya dahilan para bumalik ako sa huwisyo. Natulala pa ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. Oo aaminin kong gwapo siya, pero wala akong pakialam. Hindi ko kayang palampasin ang kabastusan niya.
"Hoy mister, 'wag ka ng magkaila. Hinipuan mo ako sa pwet!”
"Look, woman. I think you're imagining things. First, hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, at sigurado akong hindi ako ang nanghipo sa'yo. Second, you're definitely not my type kaya malabong hipuan kita.”
Pakiramdam ko nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Narinig ko rin ang mahinang tawanan ng pasahero dahil sa sinabi ng manyakis na lalaking 'to.
Hindi ko alam kung saan ako mas maiinis, 'yong hinipuan niya ako o d'on sa sinabi niyang hindi niya ako type–pero hindi ko rin naman siya type! Napaka-arogante akala mo kung sino. Pweh!
"Mister 'yong palusot mo hindi na 'yan uubra sa'kin. Porke gwapo ka, hahayaan ko nalang na hipuan mo ako at tyaka–"Naputol ang sasabihin ko ng ma-realize kong lumabas sa bibig ko ang salitang gwapo.
"Mali! Hindi ka pala gwapo!" Agad kong bawi sa sinabi ko, kaya lalong kumunot ang noo niya.
"Miss, hindi mo ba alam na maaari kitang pakasuhan dahil sa pangbibintang mo?"
"Wow! Aba ako pa ang pakasuhan mo, ikaw na nga itong—Ay bélat!" Napamura ako ng biglang nagpreno 'yong driver ng bus kaya pilit akong napakapit sa kahit anong matibay para hindi ako mawalan ng balanse.
"What the f**k woman! Bitiwan mo...bitiwan mo 'yong ano ko!"
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi ng manyakis na 'to–saka ko napagtanto na ang matigas pala na bagay na nahawakan ko ay ang hotdog ng lalaking manaykis na 'to.
TO BE CONTINUED...