CHAPTER 36

1699 Words

WALA akong ginawa kun’di ang mag-imbestiga ng palihim. Nagpunta pa ako sa Ballet Studio at tanging tagalinis lang ang nakita ko roon. Sa susunod na araw pa ang simula ng practice namin pero sinadya kung magpunta roon para tignan ang kabuuan ng studio. Nagsabi na lang ako na may kukuhanin dahil mukhang limitado na lang ang pinayagan nilang magpunta rito. Nang medyo lumayo sa gawi ko ang isa sa janitor ay lumapit kaagad ako sa stage. Hinawi ko ang malalaking kurtina roon pero wala akong napansin na kahit ano’ng kakaiba. Malinis at parang walang crime na nangyari. “Miss, hindi po kayo pwede d’yan,” wika ng nakausap ko kanina. “Ay sorry po, akala ko po kasi rito ko naiwan ‘yong ballet shoes ko.” Bumaba na ako ng stage at nagpunta na lang sa dressing room. Nakakunot na ang noo ng lalaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD