“Hades, seryoso ka riyan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Argus, pinsan ko. Ngumisi ako sa kaniya habang ini-stretch ang katawan ko. Pangatlong linggo ko na itong inaaral ang ballet. Inaasar na nga ako ng mga kaibigan namin dahil mukha na raw akong bading. Sa kilos man o sa sinusuot ko kapag naaabutan nila ako sa studio ng mansion. Wala naman akong pakialam sa kanila. Dapat magaling na ako sa ganito pagkatapos ng dalawang taon. Balak ko ring mag-audition sa management niya. Kung ‘di papalarin sa talent ko, dadaain ko sa mukha, syempre. “Oh my Gosh!” Napalingon ako sa gawi ni Argus nang marinig ang boses ni Mommy. Nakatapat sa akin ang cellphone niya at mukhang ka-video call ang mahal kong ina. “Ano’ng ginagawa mo, Anak?” Dinig ko pang dagdag ni Mommy kaya ngumisi ako. “I’m stretch

