DAGSA ng mga tao ang pang-anim na audition sa Limitless Entertainment. Ito ang huling araw na makakapag-audition si Bianca kaya hindi na siya nagsayang pa ng oras. Ang mga walang hiyang kaibigan ni Bianca ay hindi pa rin matigil sa pagtatawanan. Dinuro-duro pa talaga nila ang dalaga at halos masamid na sa sobrang galak. Sa susunod nga ay hindi na ko magkukwento sa mga 'to at baka mauna pa sila sa lolo't lola ko papuntang heaven. Nagkwento lang naman siya nang nangyari sa room kanina, grabe na agad ang reaksyon nila. Hindi kasi magkasundo-sundo ang teacher sa Philosophy at si Bianca dahil palagi siya no'n pinapahiya. Kagaya kanina, siya na naman ang na-trip-an. Naiinis na binalingan ni Bianca ang mga kaibigan niya at inirapan nang hindi pa rin sila matapos-tapos. "Baka gusto niyong manah

