Chapter 46 “Miguel, Nigel, mabuti at narito na kayo, nais raw maglibot nitong si Merina sa bayan.” Sabi ni Gwen. Nagmano ang mga bagong dating kay Gwen at pagkatapos ay tumingin sa kanila. “Saan daw po nanay?” tanong ng isang lalake na sa tingin ni Sayah ay ang matandang anak ni Gwen. “Dito lang sa bayan, nakita kasing muli ni Merina ang kaibigan niya sa dating tinuluyan noong siya ay nawala. Nais nilang lumibot dito sa bayan.” Sabi ni Gwen. “Samahan mo sila Nigel,” sabi ng lalake na sa tingin niya ay ang pinaka matanda. “Hindi ba at magsisibak tayo ng kahoy ngayon, kuya?” tanong ng lalakeng tinawag na Nigel. “Kahit ako na lang, bantayan mo na lang si Merina at ang mga kaibigan niya, baka mapagtripan sa labas.” Sabi ni Miguel. “Oh, sige, magbibihis na muna ako.” Bigla naman sumi

