Chapter 65

2998 Words

Chapter 65 Halos isang buong araw na naglalakad sila Sayah kasama si Uzni, Zico at Jika. Akala niya noong una ay makakasama nila si Kizo ngunit sinabi nito na si Zico na ang magpapakilala sa kaniya at si Zico na rin ang magsasalita para kay Kizo sa mga naganap sa bayan ng priyesa. Habang naglalakad ay natatanaw na ni Sayah ang nayon na kanilang madaraanan bago makarating sa zone 3. “Maaari tayong magpalipas ng gabi rito,” sabi ni Uzni na nasa kaniyang gilid lamang. “Nakarating ka na ba sa nayon na ito?” tanong ni Sayah rito. Umiling si Uzni at pagkatapos ay itinuro si Jika. “Iyan nakarating na, naiikot niyan ang buong lost world sa loob ng isang taon para maghanap ng mga babae na maloloko.” Sabi ni Uzni. Napaismid si Sayah. Naalala niya ang sinabi ni Pika sa kaniya, iyon raw ay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD