Chapter 42 “Madalas akong narito sa bayan dati, ako kasi ang naatasan sa kusina upang mamalengke ng mga kakailanganin. Kasama ko noon ay si Papa, madalas naman ay mayroon akong kasamang trabahador sa palengke para idala ang aking mga pinamili sa headquarter ng vantress.” Napatango-tango si Sayah. Maluwang ang bayan at maraming mga tao ang naroon at may dala ang mga ito na basket. Maingay din ang paligid at medyo siksikan dahil sa dami ng namamalengke. “Kahit ganitong oras at mainit ay marami pa rin ang mga tao? Sa aming bayan, kapag alas diyes na ay halos wala nang namamalengke.” Sabi ni Sayah. Iyon kasi ang napansin niya. Magtatanghali na ngunit marami pa rin ang tao. “Sa harapan kanina nakalagay ang pangalang priyesa. Hindi ba sakop ng vantress ang lugar na ito, Pika?” Umiling si

