Mag aalas kwatro na at natagalan sa pag uwi ang mag-ama ko choz ayaw rin kasing umuwi ni Gabby at masyadong natagalan sa pakikipag laro sa akin. Maganda ang offer ni Stefan pero mukhang mahihirapan akong mag desisyon. “So pwede ka bang maging ina ng anak ko?" napanganga ako sa sinabi nya at ilang minuto ring pilit iniisip at iniintindi. Nagsalubong ang kilay ko para ipakitang hindi ko naiintindihan ang gusto nyang sabihin. “I mean nanny... Simula kase noong inakala nyang ikaw si Amelie hindi na sya tumigil kakatawag ng mama" hindi pa rin ako kumibo dahil hindi pa rin tuluyang tinatanggap ng sistema ko ang alok nya. “Nasabi mo noon na may problema ka sa pera at renta, tutulungan kita, gusto ko lang na may kalakihang nanay ang anak ko" “So magsisinungaling tayo sa bata?" “Look Ez, trabaho lang to alam ko ring ikaw ang makakatulong kay Gabby para tuluyan na syang bumalik sa pagiging masiyahin nya at makapagsalita na ng tuloy tuloy" “Pag iisipan ko Stefan hindi madaling magdesisyon sa ganyan" Tumango sya at inaya na ang anak na umuwi kaso nagpumiglas lang si Gabby.
Yan ang naging dahilan kung bakit natagalan sila. Napaupo nalang ako sa sofa at iniisip pa rin ang mga sinabi ni Stefan, magaan ang loob ko sa mag ama pero hindi naman madali ang hinihingi nya. Una kinikilala akong nanay ni Gabby paano paglaki nya? Pangalawa paano ko ipapaliwanag sa mga magulang kong magtatrabaho ako bilang nanny, mahigpit na bilin sa sakin na mag concentrate sa pag rereview dahil sabi nila kailangan kong maging mahusay na guro at ang panghuli hindi rin ako sigurado kung dahil ba kamukha ko si Amelie ay matutulungan ko na si Stefan, hind ko pa naman naranasan maging ina kaya paano ko malalaman? Kumatok si Aling Zeli para sabihing nasa baba at nag aantay si Tado, sinabi ko naman na nasa trabaho pa si Reina kaya hindi na rin sya nangulit at umalis na rin. Isinantabi ko muna ang mga iniisip at pumasok sa kwarto para maglinis. Habang naglilinis sa may kama ni Reina ay nakapa ko sa ilalim ang gamot, tinitigan ko itong mabuti at ipinagkibit balikat dahil hindi ko naman alam kung para saan iyon, baka pampaganda lang hindi naman ako maalam sa mga ganon. Binalik ko din kaagad at wala nang balak pang mang usisa kay bakla.
Inabot din ng isa't kalahating oras ang paglilinis ko dahil bawat gilid gilid ay sinisugurado kong malinis. Lumabas na ako ng apartment para sana magpaload dito kase samin ay matipid kami hindi kami nag aaksayang magpakabit ng wifi or makikabit dahil dagdag gastos lang, nagpapaload lang kami ni Reina kung talagang kinakailangan. Nasa tindahan si Tado at nagyoyosi. “Tao po paload nga po ng singkwenta" sigaw ko dahil mukhang busy ang tindera “Oh Ez ikaw pala, balita ko ay may mayamang naghatid sayo noong isang gabi at nakita ko rin na binisita ka ngayon" Walang ligtas na chismis pagdating sa tropa ni Aling Zeli na si Ate Lora, ilang taon lang ang tanda sa akin pero may tatlo ng anak, aba e mabilis umarangkada at di papahuli. Napatango na lang ako at di na nagpakita ng emosyon para naman maisip nyang hindi ko gustong pag usapan. “Sabi ay nobyo mo daw, totoo ba?" dito na napataas ang kilay ko, siguradong si Aling Zeli na naman ang nagpamalita ng gawa gawa nyang kwento, “Hindi ho" habang inaabot ang bayad at kinuha ko ang cellphone nya para isulat ang numero ko. Pagkatapos ay inabot ko na rin agad, “Una na ako Ate, singkwenta yan ha" tumango sya at napunta na ang atensyon sa cellphone. Ilang hakbang palang ay hinawakan ako sa braso ni Tado, inalis ko ang pagkakahawak at umastang nandidiri sa hawak nya. “Aba aba Ez, hindi naman kita papatulan ano" malamang hindi rin naman ito ang tipo ko, sa isip isip ko. “Ipaalala mo kay Reina yung naipangako nya na motor ha?" Pinangako? sarap rin minsan ipako si Tado sa kinatatayuan nya e. “Pwede ba tigilan mo na si Reina alam mo naman na sya ang bumubuhay sa pamilya nya, sana manlang ay bilang boyfriend ay tulungan mo sya" “Nanay ba kita? kung maka sermon ka ah, ipapaabot mo lang naman yung sinabi ko ang dami mo pang sinabi tyaka di naman ikaw ang gagastos" tumango na ako para makaalis, di ko titigilan si Reina kakasabi na hiwalayan na nya si Tado dahil wala naman itong magandang dulot sa kanya.
Pagkarating ko sa unang palapag ng apartment ay naka pamewang si Aling Zeli habang nagpapaypay na parang init na init kahit mag gagabi na. “ Sabi ni Zeirra ay may bumisita daw sayo na gwapong lalaking may kasamang bata, Si Stefan ba yun?" “Opo" sagot ko at akmang aalis na ngunit pinigilan nya ako. “Sandali, ireto mo naman ang anak kong si Zeirra paniguradong bagay na bagay sila dahil maganda si Zeirra" “Naku aling Zeli hindi ho interesado si Stefan" “At bakit hindi? bakit sayo ba interesado si Stefan" tuloy tuloy ang iling ko dahil hindi naman talaga. dismayado ang mukha nya at bago pa nya matuloy ang sasabihin nya ay inunahan ko na sya. “Akyat na ako aling Zeli mag rereview pa ako" halata sa mukha nyang ayaw nya pa akong paalisin pero sa huli ay tumango na rin sya. Pag pasok ko sa kwarto ay humilata na ako nag iisip kung tatanggapin ko ba ang alok o hindi.
Agad din namang pumasok ang load kaya minabuti kong i text si mama. Sermon ang aabutin ko kung mag dedesisyon ako ng walang go signal galing sa kanila ni papa.
Ako:
Ma, kumusta? balak ko sanang mag trabaho pansamantala para makatulong sa gastusin ko habang wala pa akong trabaho. Mag aalaga ng bata, ipapag patuloy ko pa rin po ang pag rereview.
Tumayo na ako para sana umpisahan na mag pack ng orders habang wala pang reply si mama pero wala pa ako sa pintuan ay tumunog na ang aking cellphone, tumatawag si mama mukhang hindi ako papayagan.
“Hello, anak hindi ba't ang bilin namin ay mag review kalang simula hayskul ay ilang ulit na kitang sinabihan na mag ipon ka at mag tipid dahil alam mo naman kung gaano ka strikto ang papa mo at ano itong sinasabi mong magta trabaho ka? hindi mo ba alam na mauubos ang oras mo kung sakali at bata pa talaga ang aalagaan mo, napakahirap mag alaga ng bata, paano ang pag rereview mo? isasantabi mo? walang kwenta ang perang kikitain mo kung hindi ka naman makakapasa."
Expected ko na rin naman na sermon ang abot ko, totoong ilang ulit na sinabi ni mama na wag akong magastos at mag ipon pero hindi ko sineryoso ang mga sinabi nya dahil hindi ko naman alam na tototohanin ni papa ang sinabi nya.
“Ma kailangan ko rin kasi at nakakahiya na kay Reina na wala akong ambag dito kahit manlang sa pagkain, pangako naman na hindi ko hahayaang hindi maka pag review sa isang araw."
Umabot pa sa sampung minutong pakikipag sagutan na nauwi rin sa ‘Ay bahala ka, malaki ka na basta ay hindi ako nagkulang sa paalala.' Siguradong aabutin ng isang oras kung idinetalye ko pa na medyo kumplikado ang sitwasyon kesyo kamukha ko ang nanay ni Gabby at mama ang pagkakakilala sa akin. Mawiwindang ang buong angkan ko at baka akalain pa nila na anak ko nga si Gabby sa isip ko ay hindi naman permanente ang trabaho na ito kaya siguro ayos lang.
Nagsimula na rin akong mag pack ng orders, napakaraming bumibili ng sabong pampaputi at pampakinis daw, uso sa mga kabataan at talagang mabenta dahil na rin sa maputi si Reina pero sa tingin ko ay hindi lang naman itong sabon ang sekreto nya. Mas babae pa si Reina sa akin, kumpleto sa mga pang paganda at ang mga damit ay magaganda. Hirap din siya sa buhay pero sa tiyaga ba naman ng bakla e inisa isa nya at maalaga rin kasi sya sa gamit kaya ayon sya naman ang ginagamit ng Tado na yun.
Nagluto ako ng tinola para sa hapunan dahil sa kakagaling lang ni Reina sa sakit ay mas mabuting may sabaw para mas umayos ang pakiramdam nya. Sana lang ay hindi agad ako tanggalin sa trabaho, unang araw pa lang ay absent na ako nakakahiya pero kailangan ko rin kasi. Mag aalas siyete na dumating si Reina. Pag bukas ng pinto ay bumungad sa akin ang malisyoso nyang tingin at nakangiti halatang gustong gusto na akong usisain. Hindi pa nakaka upo ay binato na nya ako ng tanong. “So sinundan nyo na ba ang unico iho nyo?" sabay upo sa sofa “Pinagsasabi mo, mamaya na natin pag usapan yan hindi naman siguro ako tanggal sa trabaho?" dito na natanggal ang ngiti nya sabay buntong hininga, masama ang kutob ko pero inantay ko syang sumagot, “Hay nako bakla hindi ko nga rin alam mukhang may dalaw ang madam galit na galit halos magdikit ang kilay agad na nagpahanap ng kapalit mo ilang beses na akong magpalinawag na may emergency pero wa pakels si Madam" nawalan na rin ako ng pag asang mag trabaho sa salon na yun mukhang kakailanganin ko na ang trabahong alok ni Stefan.
Inaya ko na rin na mag hapunan si Reina at naisip ko na ikwento sa kanya ang offer ni Stefan. Pagkatapos ko magsalita ay tuloy tuloy ang tili ng bakla. “OmOoooo Congrats mare may anak ka na may pera ka pa" napailing na lang ako. Pagkatapos kumain ay hindi pa rin ako tinatantanan ni Reina, gusto nyang tanggapin ko ang offer para na rin daw sa akin, pero duda ako sa mga tingin na ipinupukol nya sa akin. “Sya nga pala ay kinukulit ako ni Tado tungkol dun sa lintik nyang motor. Kita ko ang pagbagsak ng balikat ni Reina, alam kong wala syang pera pero gusto nya pa ring pag bigyan si Tado. “Hahanap na lang ako ng second hand" mas nadismaya ako sa sagot nya “Ang daming lalaki dyan bakit mo pa pinagtitiisan si Tado?" “Mahal-" hindi ko na pinagpatuloy ang pakikinig at tinakpan na ang tainga sabay irap. “Nye nye hindi ka mapapakain nyang pagmamahal na sinasabi mo" “Aantayin kong ma inlababo kang haliparot ka at wag na wag kang lalapit sa akin pag nasaktan ka."
Di ko na inintindi si Reina at dumiretso na sa sala para ipagpatuloy pa ang pag pa pack ng orders para naman matakasan ko na ang topic namin ni bakla.
Habang abala sa ginagawa pumasok sa isip ko ang plano ko para sa sarili, pangarap ko talagang magturo ng mga bata madali kasing napapalapit ang loob ko sa kanila, kung yung iba ay na iistress sa pag hahandle ng bata kabaliktaran naman ako. Mahirap pag biglang may darating sa buhay mo na di mo naman inaasahan tapos biglang may mababago o madadagdag sa plano mo. Buo na rin naman ang desisyon kong mag alaga kay Gabby, sana lang ay maging tama ang desisyon kong ito.
Isinave ko na ang binigay na numero ni Stefan para ma text sya tungkol sa desisyon ko.
Ako:
Good Eve :) si Ez to tungkol sa offer...
Natagalan sa pag reply si Stefan akala ko nga e hindi na makakasagot dahil siguro busy or tulog na.
Stefan:
Ez, good timing, can we meet tomorrow para sa mga conditions?
Ako:
Sure
Hindi na rin sya sumagot kaya binababa ko na ang cellphone ko para tapusin ang ginagawa.
Pagpasok ko sa kwarto ay gumagawa na ng mga himala sa mukha ang bakla, ibat ibang cream at mga kung ano ano ang pinapahid nya, hindi rin naman ako mahilig sa mga ganon kaya dumiretso na ako sa kama, wala nang balak mag review. Nagsindi si Reina ng scented candle, isa akong simpleng tao na nakikisagap sa mga ganap ni bakla. Nakakatulong din to para mas umaliwalas ang pakiramdam ko isa pa libre naman, nakikilanghap na nga lang ako mag rereklamo pa ba ako?
Hindi rin nakatiis si Reina na mag tanong tungkol sa offer ni Stefan. “Sya nga pala yung offer na mag alaga ka ng bata tinanggap mo ba?" “Oo kaka text ko lang kay Stefan pag uusapan namin bukas" napalingon sya sa akin at napataas ang kilay, “So may date kayo ni papi Stefan?" umiling ako at hindi na sumagot dahil lalo lamang hahaba ang usapan. “Paano ang parents mo? pinayagan ka ba?" “Bahala na daw ako, malaki na rin naman daw, as usual sermon bago permiso" “Hindi sa pang aano ha? pero bakit kasi natitiis ka ng magulang mo?" Hindi kasi kilala ng personal ni Reina ang mga magulang ko ang alam lang nya ay strikto sila hindi nya alam na mas malala sila mama sa personal. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na sinagot pa, para bang walang tamang salita ang mag de describe sa magulang ko pero wala naman akong galit o hinanakit.
Bago patayin ang ilaw sa kwarto ay inabutan ako ng listahan at pera ni Reina, mga kulang sa kusina, pagkain at mga kailangan nya. “Pagkatapos mong kumirengkeng ay dumiretso ka sa palengke para mamili dahil lalabas ka rin naman, sinobrahan ko na." sinunggaban ko sya ng yakap dahil kahit sino naman siguro ay papalakpak ang tenga kapag may sobrang sukli. “Bakla ka bitawan mo akong higad ka, nakakadiri" dito ko sya lalong ininis at hinalikan sa pisngi ng paulit ulit. Galit na umalis si bakla at pumunta na sa kama para mag talukbong sa kumot, nandidiri animo'y ginahasa. “Walanjo kang higad ka alam mo namang beki ako kung maka lingkis ka sa akin" “Sus akala mo naman papatulan" “Gaga ka wala ka pa ngang naging jowa malay ko ba kung pati ako pagnanasahan mo na" humagalpak ako sa tawa dahil tama naman syang wala pa akong naging boyfriend pero di naman ibig sabihin non ay magkakagusto na ako sa kanya. “Goodnight Reina labyu sagad" isang yuck pa ang narinig ko bago nya ako talikuran.
Maaga akong gumising para sana ipaghanda si Reina ng pagkain pero naunahan nya ako, nakapagluto na sya ng sinangag at tuyo samahan mo pa ng kape aba'y perpekto. Simula second year college ay magkasama na kami ni Reina, nagkakilala kami dahil sa kainang pinag ta trababuhan nya noong college pa ako. Madalas naming tambayan yun dahil kahit karinderya ay malinis at masarap ang pagkain. Tago din ang lugar at talaga namang kasundo namin ang may ari. Napaka cool din ng may ari ng lugar at pinapayagan kaming mag inuman doon dahil nga tago. Sa likod ng kainan ay may bilyarang tambayan ng mga college student. Walang rumuronda roon kaya safe na safe yun nga lang ay nagsara din pagtungtong ko ng 3rd year college balita sa amin ni Reina ay nalugi daw at maaugal din ang may ari.
Sobrang naging magkasundo kami ni Reina actually tatlo kami, si Sandra pero hindi na sya nakapagtapos dahil nabuntis sya noong 4th year, pinauwi sya sa probinsya sa galit ng magulang nya at nawalan na rin kami ng komunikasyon.
Pagkatapos kumain ay agad na tumayo si Reina at dumiretso sa kwarto mag hahanda na siguro para sa pagpasok pero bumalik sya sa kusina ay inabot ang isang dress. “Oh, hindi naman kita pwedeng hayaang mag mukhang basahan sa paningin ng future mo." ibinalik ko sa kanya ang dress dahil masyado itong maganda at ang alam ko ay isang beses pa lang nya itong nasusuot. “Hindi na, t shirt at pants lang ayos na" “ Mamanduhan kita dahil lagpas bente ka na ay wala ka pa ring alam sa mga date date na yan" “Trabaho ang ipupunta ko at hindi date ano ba!" “Ah basta kung trabaho ang pinunta mo ayos lang sa gabi mo nalang trabahuhin si papi." masama ang tingin ko sa kanya dahil alam ko ang ibig nyang sabihin, sa tagal ko ba naman na kasama si Reina ay napaka rami kong natututunan.
Iniwan nya ang dress at bumalik na sa kwarto, wala na rin siguro akong choice dahil kahit papaano naman ay gusto kong maging maayos sa paningin ni Stefan. Tiningnan ko ang dress kulay peach na sleeveless, simple lang kung titingnan pero hindi ako sanay sa mga walang manggas. Hinugasan ko na ang pinagkainan para wala na akong maging problema mamaya.
Naalala ko na hindi ko pala natanong kung anong oras kami magkikita at saan kaya naman kinuha ko na ang cellphone sa kwarto para i text sya.
Ako:
Good morning, nakalimutan ko lang na itanong kung anong oras nga pala tayo magkikita at saan?
Pagkatapos maghanda ni Reina para sa pagpasok nya ay inabot nya sa akin ang make up kit nya. “Sa tagal ko na naglalagay nya ay siguro naman may alam ka kahit unti, gusto ko mag ayos ka para naman magkaroon ng usad ang buhay mo" tinanggap ko na pero wala naman akong balak maglagay. Daig pa ni Reina si mama sa pagiging maasikaso kaya naman ay halos wala akong tinatago kay Reina dahil alam kong sa lahat ng bagay ay susuportahan nya ako at higit sa lahat papakinggan nya lahat ng drama ko sa buhay.
Napaaga ang alis nya kaya naman tumingin ako sa page na pinagbebentahan nya ng mga produkto para tingnan kung may order ba, sa kasamaang palad ay wala. May mga pagkakataon talagang malas ang negosyo lalo na kung marami ring kakumpitensya. Tumingin tingin din ako ng mga kaparehong produkto na mas mabenta kaysa sa binbenta ni Reina para magbasa at alamin kung saan ba nagkulang ang binebenta namin. Mayroong mas mura pero mas epektibo, meron ding mahal pero mabilis ang bisa. Ang kadalasang komento sa amin ay mura ang produkto pero matagal makita ang resulta at ang iba naman ay minamalas na hindi sila hiyang sa sabon.
May nabasa pa akong komento sa binebenta ni Reina na nakapag painit ng dugo ko.
Rei Salazar : Grabe! wag na wag kayong bibili ng sabon na ito napaka pangit, umitim lang ako lalo, sayang pera.
Gamit ko ang dummy acc ko at di ako admin ng page kaya naman ang lakas ng loob kong mag reply dahil hindi naman ako makikilala.hehe
Eel lab yu : Aba baka naman kasi hindi ka naghihilod sinisi mo pa ang sabon. napaka effective kaya ng sabon nila kakaputi except sa budhi mong maitim.
Wala pang tatlong minuto ay nag notif na agad na nag reply.
Rei Salazar : Scam ‘to hindi naman totoo na nakakaputi, nakaka pag aksaya ng pera oo.
Hindi pa sya nakontento ay tuloy tuloy pa ang pag reply nya. gigil na gigil.
Rei Salazar : Sino ka bang Eel lab yu ka? bakit ka nakikialam, customer ako may karapatan akong sabihin kung anong gusto ko.
Rei Salazar : Wala ka pang picture halatang dummy, siguro hindi rin tumalab sayo ang sabon ano?
Rei Salazar : Ano sagot!
Natawa ako dahil sa bilis nyang magreply pero di rin ako nagpakabog.
Eel lab yu: Baka naman kase nasa balat mo na ang problema? o baka kase akala mo magic ang binebenta nila? matuto kang mag antay at mag tiyaga hindi naman instant ang binebenta nila.
Nagtaka naman ako kung bakit hindi na nagreply pa kaya binalikan ko ang comment pero burado na, sinearch ko din ang sss nya pero wala na, blinock na ata ako mukhang napikon. Tama naman syang may karapatan syang sabihin ang opinyon nya kaya lang para sabihin nyang scam ang produkto ni Reina ay ibang usapan na dahil lang sa hindi sya hiyang ay ganon na agad syang mag kumento. Wala rin sana akong balak patulan kaya lang umabot sa isang daan mahigit ang reaction sa comment nyang iyon baka maka apekto sa mga oorder sana.
Wala pa ring reply si Stefan kaya naman kinabahan na ako baka mamaya ay wala na akong oras para maghanda. Lumabas ako ng kwarto para dahil nababagot na ako kaka antay. Nakita ako ni Zeirra at agad akong hinarang mukhang may kailangan. “Sabi ni mama ay ayaw mo daw akong ireto ha?" Kung makapag salita naman ang isang ‘to akala mo ay napaka close namin. tanda ko pa na hindi hihigit sa lima ang beses na kinausap nya ako simula nang tumira kami rito. “Hindi naman sa ayaw, sa tingin ko lang ay hindi sya interesado sayo" tinaasan nya ako ng kilay sabay sabing “Baka naman kasi gusto mo sya? gusto mong umahon at ayaw mo akong tulungan" dito na ako napa irap, walang rason para mag bait baitan ako sa harap nya dahil hindi naman sya kung sino para katakutan ko. May limitasyon pa rin ang kamalditan ko dahil kahit gusto kong sabihing mukhang sya naman ang gustong gustong umahon e itinikom ko nalang ang bibig ko. “Ez naman tulungan mo na ako para namang hindi tayo magkaibigan" dito talaga ako hindi nakapag pigil “Tapang ng hiya mo te (-_-) una hindi tayo magkaibigan pangalawa ang kulit nyong mag ina ano? hindi nga interesado yung tao, pipilit mo pa?" “Gusto mo sabihin kita kay mama?" parang bata naman ‘to, hindi sila ang may ari pero sila ang katiwala dito. “Sumbong mo totoo naman sinasabi ko" sa galit ay nag walk out si Zeirra. Panira ng araw, biglang tumunog ang cellphone ko sa text ni Stefan.
Stefan : Sorry ngayon lang nakapag reply, pwede ka ba mamayang 10?
Pagtingin ko sa relo ay may isang oras mahigit pa para makapag ayos, kaya naman nag reply ako kaagad.
Ako : Oo naman pwede ako, Saan nga pala?
Naging mabilis ang pag reply nya
Stefan : Sa restaurant lang ng kaibigan ko, susunduin kita.
Nataranta ako sa sagot nya, yan ang oras ng paglabas ng mga mimosa dito sa amin kaya gusto kong tumanggi.
Ako : Naku wag na nakakahiya, send mo nalang yung address mag co commute nalang ako.
Stefan : No, ako naman nagyaya hindi naman pwede yun. I'll be there before 10, see you.
Hindi na ako sumagot dahil mukhang sigurado na sya. Bumalik na lang ako sa unit para mag ayos na. Habang naliligo ay iniisip ko agad ang mga kondisyon na gusto ko para naman magkaroon pa ako ng oras mag review. Napansin ko din na mas matagal sa nakasanayan ang tagal ko sa pagligo siguro mas na co conscious na ako. Pagtapos maligo ay nagpatuyo ako ng buhok habang nag nanonood ng random videos sa f*******: ko. Mas matagal matuyo nag buhok ko dahil sa kapal at haba nito idagdag pang wala kaming blower at electric fan lang ang gamit. Agad din akong nagsuot ng dress at tiningnan ang sarili sa salamin. Ang ganda- ng suot ko pero parang ang extra naman nito baka iba pa maisip ni Stefan. Nakealam na rin ako sa mga pabango ni Reina dahil wala naman ako kahit isa. Napili ko ang isang pabangong hindi masyadong matapang pero pangbabaeng pambabae. May flat sandals din ako. Parang isang demonyong naririnig ko sa utak ko ang mga sermon ni bakla tungkol sa pag aayos kaya naman ay naglagay ako ng unting tint at blush on. hindi na rin kailangan pang mag kilay dahil medyo makapal naman ang kilay ko. hinayaan ko na na nakaladlad ang buhok ko dahil nga sa sleeveless ang suot ko, para hindi kahit papaano ay matakpan pa rin ng buhok ko.
10:45 ng umaga ay may kumakatok na. Si Stefan, naka pants and gray shirt nakakahiya ang simple lang ng ayos na samantalang ako akala mo talaga makikipag date. “Good morning Ez, bagay sayo" napangiti nalang ako sa papuri nya. “Teka kunin ko lang yung bag ko pasok ka muna" pagkapasok ko sa kwarto ay kinuha ko na ang bag ko muntik ko pang makalimutan ang listahan ng mga pinapabili no Reina. Paglabas ko nakita kong naglilibot ang mata ni Stefan sa buong unit, mabuti nalang at malinis. Inaya ko agad syang lumabas na, expected ko na rin na sa bawat hakbang ay may mga matang nakasunod sa amin, mata na binubusog sa mga spekulasyon at mga bintang dahil nga mayaman ang kasama ko, baliwala naman sa akin ang mga yun nakakairita lang ang paulit ulit nilang tanong.
Pinagbuksan pa ako ng pinto sa sasakyan ni Stefan, napaka gentleman. pagkaalis namin ay kita ko pa rin sa salamin ng sasakyan ang kumpol ng mga taong nag uusap sa pangunguna syempre ni Aling Zeli at Ate Lora. Medyo matagal ang byahe at hindi ako pamilyar sa dinadaanan pero may mga nakita akong sign na Cavite. Saktong mag lu lunch na kami nakarating sa sinasabi nyang restaurant, ang ganda ng lugar maraming nakatanim ma iba't ibang bulaklak at tahimik din.
Nasa pintuan palang kami ng restaurant ay sinalubong na kami ng isang matangkad na lalaking moreno at kitang kita ang dimple. Pagtingin nya ay nanlaki ang mata nya at agad na nagtanong. “Man? sino ‘to?" napalingon din ako kay Stefan nag aantay ng sasabihin nya. “This is Ez, dinala ko sya dito dahil may pag uusapan kami." mukhang hindi nakuntento ang lalaki kaya sinundan ito ng litanya ni Stefan. “Mamaya ipapaliwanag ko sayo Sam" Sam pala ang pangalan nya. Tumango nalang si Sam ng biglang may lumapit sa aming buntis na galing sa loob ng restaurant, nanlaki ang mata nya at agad akong niyakap. “Amelieee" umiyak sya bigla at lalong humigpit ang yakap nya. kamukhang kamukha ko nga siguro si Amelie at dahil mukhang sensitibo ang kalagayan nya ay tinapik tapik ko nalang ang likod nya. “Hon hindi yan si Amelie" sabi ni Sam habang sinusubukan nyang alisin ang babae sa pagkakayakap sa akin, nang bumitaw na sya ay kitang kita ko ang pamumula ng pisngi nya sa sobrang pag iyak, wala ring tigil ang pagtulo ng luha nya. “Sorry sorry a akala ko si Amelie." limang minutong katahimikan bago tumigil sa pag iyak ang babae. “Cristal this is Ez, Ez this is Cristal best friend ni Amelie" Ah kaya pala ganon nalang ang reaksyon nya. nag offer akong makipagkamay at tinanggap naman nya.
Hindi pa rin maalis ang titig sa akin ni Cristal. “Bakit? bakit Stefan? bakit mo sya kasama? pinagpalit mo na ba ang kaibigan ko?" tuloy tuloy na umiling si Stefan. “Shhh tama na yan, ipapaliwanag naman mamaya ni Stefan" dito na nakuha ni Sam ang atensyon ni Cristal. Sabay na pumasok si Cristal at Sam sa loob ng restaurant. Pagpasok namin ay may iilang kumakain, pumwesto kami sa pinaka likod, glass ang pader at kitang kita ang malawak na taniman ng mga bulaklak. Hindi ko maalis ang titig ko sa ganda ng view, iba't ibang bulaklak ang nakatanim kada hilera at napakalinis tingnan. “Isang taon pa lang ang restaurant na ito" dito na napunta ang tingin ko kay Stefan. “Dito ko dapat dadalhin si Amelie dahil paborito nya ang mga bulaklak na nakatanim dyan." nakangiti sya pero malungkot ang mga mata nya. “ Pagmamay ari ko ang taniman na yan habang sila Cristal at Amelie naman ang nagdisenyo ng restaurant na ito." lalo lang lumungkot ang itsura ni Stefan. “Hindi nya naabutan ang pagbukas nito dahil naaksidente sya" dito na tumulo ang luha nya. Inabutan ko sya ng panyo. “Sorry ha?" umiling ako para ipakitang ayos lang “Simula ng buksan ang restaurant na ito ay hindi pa ako nakakapunta dito dahil nalulungkot ako, mga tauhan ko lang ang nag aasikaso sa mga pananim."
Natahimik ako wala rin akong maiambag na sasabihin at hindi rin ako magaling mag comfort. Nabasag ang katahimikan ng lumapit ang waiter sa amin para sa menu. Pagtingin ko pa lang ay nalula na ako sa presyo kaya sinabi ko nalang kay Stefan na sya nalang ang umorder. Siguro naman ay sagot nya dahil sya naman ang nagyaya. Ang dami nya ring inorder at pabor naman sa akin yon. mabilis lang ding na i serve ang mga pagkain. Mukhang masarap at masakit sa bulsa.
“So, Ez pag usapan na natin ang mga kundisyon" tumango ako at handa nang makinig sa mga sasabihin nya.
“ Una kailangan mong mag stay in" Dito pa lang ay gusto ko nang umapila pero tumahimik muna ako. “Pangalawa ay kailangan mong bantayan ang anak ko na parang nanay nya" “Pangatlo ay kailangan mo syang tulungan na bumalik sa dating pagiging masiyahin" “Ayos lang sa akin ang mga yan pero yung stay in ay medyo malabo" napabuntong hininga sya at umiling “Sasagutin ko pa rin ang renta ng apartment nyo kaya sana ay pumayag ka, isa pa ay hindi ko alam kung sa madaling araw o hatinggabi ka hahanapin ng bata. Mahihirapan ka kung pabalik balik ka sa bahay at sa apartment" May punto naman sya pero medyo nag aalinlangan pa ako. Pansin nya atang hindi ako sigurado kaya nagpatuloy sya. “Hindi naman nakakapagod ang trabaho mo, may taga luto, taga linis at taga laba ako tanging si Gabby lang aasikasuhin mo at sinisigurado kong mas marami ka pang oras para mag review.
Medyo promising naman ang mga sinabi nya tulad ng sabi ko ay mukhang mabait si Gabby, madaling alagaan pero hindi ko pa rin ata kayang maiwan si Reina, anlaki ng utang na loob ko isa pa ay baka kawawain sya ni Tado.
“50,000 a month plus weekly allowance and pati yung rent nyo" napatigil ang mga gumugulo sa isip ko, nablangko ako at parang nawalan ng dahilan para tumanggi.
“Deal" Hindi ko man maiwan si Reina ay siguradong tatalakan nya ako kapag pinalagpas ko ang ganto kalaking offer. Isa pa ay hindi lang sila mama ang matutulungan ko makakabawi rin ako sa lahat ng utang na loob ko kay Reina.
“Best decision Ez, Next week pwede ka na mag umpisa" sabay lahad ng kamay para makipagkamay.
Best decision nga kaya ‘to? Sana ay hindi ako magsisi sa huli.