HEATHER'S POV: (2 days later) "H-Heart? Why did he call me, Heart?" Takang tanong ko sa itaas ng kalangitan. Nakita ko ang bituin at buwan na nagliliwanag sa kadiliman. Nakaramdam pa ako ng mahinang hangin na dumapo sa aking katawan kaya napakapit na lang ang dalawa kong kamay sa aking balikat. Napabuga pa ako sa kawalan dahil na rin sa matinding lamig na dala ng hangin na 'yon. "It's been two days. Still overthinking with the impostor reaper?" Malamig na sambit ng lalaking kararating lang galing sa loob ng pangalawang kwarto niya at naglakad para lang pumunta sa direksyon ko. Sa mismong kinaroroonan ng veranda. Hanggang ngayon gising pa rin kaming dalawa ni Hizura. Alam kong ala una na rin ng madaling araw. Pero ang mga diwa namin ay gising na gising pa rin. Pagkain lang talaga a

