HIZURA MIGUEL'S POV: “What's the matter, Dad?” “Take a sit, son.” Itinuro pa nito ang upuan na nasa harapan lang ng lamesa niya. Nagpalabas na lang ako nang mahinang buntong hininga at saka ginawa na nga ang gusto niya. Naglakad ako papalapit sa upuan na 'yon habang walang makikitaan na kahit anong emosyon man lang sa aking mukha. “Before we proceed, I want to ask you something,” binigyan pa ako nito nang makahulugang tingin matapos kong makaupo nang maayos sa upuan sa kaliwa. Napa-cross arm pa ako bago siya balingan ng aking atensyon. Tinaasan ko pa siya ng aking kilay sa naiisip niya. “About what?” “About you and Taki. Ano bang meron sa inyong dalawa?” Kuryos na tanong nito sa akin. Napasinghal naman ako nang mahina,“Tsk. Bakit ba masyadong big deal sa iyo na makita kami—” “Big

