(WARNING: NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18+) THIRD PERSON'S POV: Hindi makapaniwala si Heather sa kaniyang nakita at nagawa. May mga bisig ang humila sa kaniya papunta sa likuran nito at pinaulanan ng mga bala ang limang kalalakihang 'yon. Hindi nakapalag ang lahat sapagkat masyadong mabilis ang mga galawan ni Hizura. Tanging sigaw at pagbagsak ng mga iyon ang narinig ng dalawa bago sila maglakad sa direksyon ng pinto na 'yon na kinalalagyan ng mga kaklase ni Heather. Rinig na rinig nila ang ingay sa loob. Ang paghingi ng tulong. Naalarma agad si Heather nang may maramdaman siyang papunta sa kaniyang direksyon. Napaatras agad siya lalong-lalo na si Hizura. Sabay silang lumayo sa kaninang kinaroroonan nila at nakita na lang ang dagger na tumama sa bintana. “Ah!” “H-Help! Ahh!” H

