Kash's POV Naramdaman ko na agad ang malamig na simoy ng hangin ng Tagaytay kahit noong kanina palang na pagbaba ko sa Taxi. Gabi na din ako nakarating dahil hapon na ako nakaalis. But what bothers me the most eh yung nakita kong titig kanina ni Kylan sa akin habang pinagmamasdan ang pag-alis ko. Ang sakit sa pakiramdam na tignan siya habang nasa taxi ako na umaandar. I wonder if he also got the same feeling nang iwan niya ako ng limang taon. Siguro hindi dahil masama siyang tao. Pumasok agad ako sa isang Ospital, maliit lamang ito hindi tulad sa pinagta-trabahuan ko dati na napakataas. Hanggang 2nd floor lamang ito pero malawak naman sa loob. Gabi na at gusto ko na magpahinga tsaka magpagulong-gulong sa kama ko sa mga sandaling ito. Kakailanganin ko pang maghanap ng apart

